^

Probinsiya

2 Canadian tugis sa ‘P9.68 bilyong drug trade’

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Dalawang Canadian citizen ang tinutugis ngayon ng mga awtoridad kaugnay ng 1.4 tonelada ng shabu na tinatayang nasa P9.68 bilyon ang street value na nasabat sa police checkpoint sa Alitagtag, Batangas nakaraang Lunes.

Kinilala ang isa sa dalawang Canadian citizen na si alyas James, 37, mahabang buhok na may bigote at tubong Vancouver, Canada.

Ang dalawang Canadian na tinutukoy bilang kapitan ng bangka ng dalawang pribadong yate na ginamit sa transportasyon ng toneladang droga, ay nagtago at ngayon ay hinahabol ng mga awtoridad.

Nauna rito, sinalakay  ng magkasanib na pangkat ng pulisya na armado ng search warrant ang dalawang bahay, 25 metro ang layo mula sa Yacht hub, na umano’y inuupahan ng dalawang Canadian sa Brgy. Natipunan sa Nasugbu, Nasugbu, ngunit, wala ang mga suspek. Gayunman, walang laman ang mga bahay at walang natunton na palatandaan ng droga.

Samantala, inalis sa puwesto ang chief of police ng Nasugbu na si Lt. Col. Reynaldo Domelod dahil sa umano’y iregularidad ng kanyang performance sa kanyang area of jurisdiction.

Pinalitan si Domelod ni Major Nemecio Calventas Calipjo Jr. bilang OIC-chief of police ng Nasugbu.

vuukle comment

DRUG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with