^

Probinsiya

Police captain patay, sinitang armado todas din

John Unson - Pilipino Star Ngayon
Police captain patay, sinitang armado todas din
Kinilala ang nasawing­ biktima na si Captain Roland Moralde ng 14th Mobile Force Battalion ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR) na nagtamo ng tama ng bala sa ulo at katawan.
File

MANILA, Philippines — Isang police captain ang nasawi nang pagbabarilin ng lalaki na kanyang sinita nang mapuna niyang may baril sa bewang habang naglalakad sa isang palengke sa Parang, Maguindanao del Norte, kahapon ng umaga.

Kinilala ang nasawing­ biktima na si Captain Roland Moralde ng 14th Mobile Force Battalion ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR) na nagtamo ng tama ng bala sa ulo at katawan.

Napatay naman ang bumaril kay Moralde, na kinilalang si Mohiden Ramalan Untal nang manlaban sa mga nag­respondeng pulis.

 Ayon sa mga saksi, may sadya sa palengke sa Barangay Poblacion ng Parang si Moralde nang mapansin na may baril sa bewang si Untal sa hindi kalayuan kaya niya ito nilapitan at sinitang mag-isa.

Agad na bumunot ng baril si Untal at pinagbabaril si Moralde, na bagaman may tama ay nagawa nitong makaganti ng putok at tinamaan ang una.

Duguang tumakbo palayo si Untal na tinugis ng mga pulis at nang maabutan ay pinasusuko ito,subalit nagpaputok kaya’t binaril siya ng  mga kasapi ng Parang Municipal Police Station.

vuukle comment

PATAY

POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with