^

Probinsiya

Trike sumalpok sa bus: 13-anyos utas

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Trike sumalpok sa bus: 13-anyos utas
Kinilala ang nasawing­ biktima sa pangalang Zai, high school student, residente ng Purok-4, Brgy. Talobatib ng natu­rang bayan.
File

LABO, Camarines Norte, Philippines — Isang 13-anyos na tricycle driver na lalaki ang idineklarang dead on arrival habang malubhang nasugatan ang kanyang pasahero matapos bumangga sa kasalubong na bus sa kahabaan ng national highway ng Brgy.Talobatib, Labo, Camarines Norte kamakalawa ng umaga.

Kinilala ang nasawing­ biktima sa pangalang Zai, high school student, residente ng Purok-4, Brgy. Talobatib ng natu­rang bayan.

Dahil sa maselang lagay ay inilipat sa Camarines Norte Provincial Hospital sa bayan ng Daet ang pasahero nito na kinilala namang si Chris, 29-anyos.

Sa ulat ng Camp Gen.Simeon Ola, alas-10:30 ng umaga, binabagtas ng bus na may plate number EVW-252 na minamaneho ni Job, 51-anyos ng Brgy.Plaridel, Jose Panganiban ang kahabaan ng highway nang pagda­ting sa pakurbang daan ay nag-overshoot ang kasalubong na tricycle (6167-EW) ni Zai at napunta sa linya ng bus dahilan para malakas silang nagbanggaan. Sa lakas nang banggaan ay nawasak ang unahang bahagi ng tricycle dahilan para hindi na umabot sa pagamutan ang biktimang minor.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with