^

Probinsiya

Nigerian inaresto sa ‘hit and run’

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang Nigerian national ang naaresto matapos salpukin at takasan ang kanyang nasalpok at maging ang pulisya na humabol sa kanya, kamakalawa ng hapon sa Gen. Trias City, Cavite.

Nahaharap sa patung-patong na kaso ang suspek na kinilala sa alyas na Chibuike,nasa hustong gulang.

Sa ulat, alas-3:00 ng hapon nang makatanggap ng tawag ang pulisya   hinggil sa pangyayaring pagbangga ng sasakyan ng suspek sa isang kotse sa Brgy.San Francisco ng nasabing lungsod na tinakasan nito.

Nagsagawa ng dragnet operation ang pulisya at tinangkang harangin upang kausa­pin ang suspek, subalit sinalpok ng suspek ang mobile patrol na muling tumakas.

Nagkaron ng habulan hanggang sa makorner ang suspek sa may Malabon Bridge at dito na ito naaresto.

Kasong Reckless Imprudence Resulting to Damage to Proper­ty & Violation of RA 4136 (Driving Without License) ang isinampa sa Nigerian.

vuukle comment

HIT AND RUN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with