^

Probinsiya

Holdaper nasugatan nang manlaban sa mga pulis

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

LUCENA CITY, Philippines — Maagang nalutas ang robbery/holdup incident sa isang kabubukas pa lamang na convenience store nang maaresto ang suspek matapos masugatan sa  pakikipagbarilan sa mga operatiba ng Lucena-PNP, kahapon ng madaling araw sa Barangay Ibabang Dupay sa lungsod na ito.

Kinilala ni PLt.Col.Reynaldo Reyes, chief of police dito ang nadakip na suspek na si alyas John, 25, binata ng Mulanay, Quezon na ngayon ay naka-confine sa MMG Hospital dahil sa tama ng bala sa kanang binti.

Ayon kay Reyes, bandang alas-11:40 ng gabi habang nasa loob ng may ilang araw pa lamang na kabubukas na Alfamart ang store manager na si Hermie at 3 crew ay pumasok ang suspek na nagpanggap na customer at maya-maya ay nagdeklara ng holdap.

Ibinigay ng manager sa suspek ang maghapong kinita na nagkakahalaga ng P34,398.00 saka mabilis na tumakas ang salarin na sakay ng isang Yamaha Aerox.

Nang makaalis ang suspek ay agad na pinindut ng mga staff ng tindahan ang one button application ng Lucena PNP na mabilis namang nakaresponde.

Inabutan ng mga otoridad sa Metropolis Subdivision Purok Baybayin ang suspek, subalit sa halip na sumuko ay nagpaputok pa ito ng baril.

Gumanti ang mga otoridad at doon na tinamaan ang suspek at narekober ang isang Glock 17 Gen4 caliber 9MM at isang magazine na may lamang 14 na bala.

Nakuha rin sa utility box ng motorsiklo ang perang tinangay, mga personal na gamit at isang sling bag na naglalaman ng isa pang magazine na kargado ng 14 na bala.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with