^

Probinsiya

4 tiklo sa P13.6 milyong shabu sa Marawi City

John Unson - Pilipino Star Ngayon
4 tiklo sa P13.6 milyong shabu sa Marawi City
Ang tatlong naarestong shabu dealers na sina Kison Sagaan Sakili, Samsoden Kali Gandal at Faisal Saripada Darapa, na-entrap sa Barangay Tamontaka, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte, nitong Miyerkules.
John Unson

MANILA, Philippines — Aabot sa P13.6 mil­yon na halaga ng shabu ang nasamsam ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency sa mga hiwalay na entrapment operations nitong Martes sa Marawi City at nitong Miyerkules sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Sur.

Sa ulat kahapon ni Gil Cesario Castro, director ng PDEA-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, unang­ naaresto si Alpatan Tomawis Abdulazis, at nakumpiskahan ng P6.8 milyon na halaga ng shabu sa isang entrapment operation sa Barangay Biaba-Damag,Marawi City nitong Martes.

Tatlo naman ang na-entrap ng mga PDEA-BARMM agents nitong Miyerkules sa Tamontaka, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte, nabilhan din ng P6.8 milyon na halaga ng shabu ng mga operatibang nagpanggap na sugapa sa illegal na droga.

Kinilala ang mga suspek na sina Kison Sagaan Sakili;Samsoden Kali Gandal;at Faisal Saripada Darapa.

Pinasalamatan ni Castro si Lanao del Sur Gov. Mamintal Adiong, Jr., na ang tanggapan ay nasa Marawi City, at ang mga local officials ng Datu Odin Sinsuat at mga leaders sa Barangay Tamontaka sa suporta sa naturang matagumpay na mga entrapment operations.

vuukle comment

PDEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with