^

Probinsiya

Paslit nalunod sa swimming pool

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Paslit nalunod sa swimming pool
Wala ng malay at nakalublob sa tubig ang biktimang si alyas ‘Boy,’ 6, at residente ng Rodriguez, Rizal nang ma­diskubre.
File

MANILA, Philippines — Patay ang isang paslit nang malunod habang naliligo sa swimming pool ng isang resort sa Rizal,kamakalawa.

Wala ng malay at nakalublob sa tubig ang biktimang si alyas ‘Boy,’ 6, at residente ng Rodriguez, Rizal nang ma­diskubre.

Lumilitaw sa inisyal na pagsisiyasat ng Rodriguez Municipal Police Station na dakong alas-10:00 ng umaga nang maganap ang insidente sa loob ng isang resort sa Sitio Gulod, Brgy. San Isidro, Rodriguez.

Bago ang insidente ay nagkayayaan umano ang pamilya ng biktima na mag-swimming sa naturang resort.

Noong una umano ay magkasama ang paslit at ang kanyang ina habang naliligo sa pool.

 Gayunman, naisipan ng ginang na magtu­ngo sa kanilang cottage upang kumuha ng pagkain at iniwan ang anak sa mababaw na bahagi ng swimming pool.

Laking gulat naman ng ginang nang sa kanyang pagbalik ay nawawala na ang kanyang anak.

Kaagad umano siyang humingi ng tulong upang hanapin ang bata ngunit nakalublob na ito sa malalim na bahagi ng pool nang kanilang matagpuan.

Mabilis nilang iniahon ang biktima at isinugod sa pagamutan ngunit idineklara na ring patay ng mga doktor.

vuukle comment

LUNOD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with