^

Pang Movies

Kylie, binalanse ng kapalit ni Aljur

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Kylie, binalanse ng kapalit ni Aljur
Kylie Padilla

Ang pagiging action star daw talaga ang naging vision noon ni Kylie Padilla para sa sarili gaya ng tatay niyang si Robin Padilla.

At naipakita naman niya ang galing sa mga action serye niyang Encantadia at Mga Lihim ni Urduja.

Kinuwento niya sa programang Fast Talk with Boy Abunda na tumigil siya sa pag-aaral at nag-training pa raw siya sa Thailand ng tatlo hanggang anim na buwan ng warrior’s training na hindi raw talaga madali dahil apektado rin ang tulog niya.

Pero hindi natupad ang vision niya nang mabuntis siya. Kahit ganoon, nagamit pa rin daw niya ang skills niya sa Encantadia kung saan gumanap siya bilang Sang’gre Amihan na nagbukas din sa kanya ng ideya ng womanhood.

Maaalalang ginagawa ni Kylie noon ang Encantadia nang mabuntis siya sa panganay nila ng aktor na si Aljur Abrenica.

Aminado siyang lalaki siya kung kumilos noon dahil nga sa tatay niyang si Robin na humubog daw talaga sa kanila na maging strong woman.

Iyon din naman daw ang naging daan para maging malapit silang mag-ama.

Nagkaroon pa raw ng pagkakataon na para ma-please ang tatay niya ay inakyat niya pa ang isang bundok para matuwa ito sa kanya na siya pa raw ang unang pinakabatang nakaakyat doon. Nakita raw niya ang pagka-proud nito sa kanya at iyon din ang naging push niya sa sarili niya.

Samantala, inamin naman ng aktres na kasalukuyan na siyang may bagong karelasyon na non-showbiz at marami raw siyang natutunan dito gaya ng mas magtiwala sa kanyang sarili.

Mas naging balanse na rin daw ang kanyang work at personal life ngayon. Bongga.

vuukle comment

KYLIE PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with