^

PSN Showbiz

Direk Joel, Idinadawit Ahron Villena, nagbukas ng mga kontrobersiya

JUST ASKING - Leon Guerrero - Pilipino Star Ngayon
Direk Joel, Idinadawit Ahron Villena, nagbukas ng mga kontrobersiya
Ahron Villena

Ano kaya ang masasabi ng isang kilala at award winning director sa pinost ni Ahron Villena sa kanyang IG stories?

“Nagsalita pala ‘etong direktor na ‘eto na matagal na daw nangyayari ‘yung mga ganu’ng scenario? E, kung sabihin ko kaya na isa ako du’n sa artistang na-exploit at ikaw ‘yun!”

“Tandang-tanda ko ‘yung kelangan ko mag-plaster sa eksena. Cameo role lang ako at may tumutulong na sa akin sa production pero pumasok ka sa CR at pinaalis mo siya.”

“Ang sabi mo pa, ‘Dapat hindi ka nagpapalagay sa kanila, ako na dapat maglalagay niyan.” Wala namang problema sa akin pero ilang beses mo tinatamaan at dinidikit ‘yung kamay mo.”

Tanong ng madlang pipol, si Direk Joel Lamangan ba ang pinatutungkulan ni Ahron sa hinaing niya?

Eh paano kaya kung may mga lumantad na mga taong nakarelasyon ni Ahron na pumayag naman siyang magpahipo at makipagniig, paano naman kaya siya magre-react?

Ang tanong ng mga tao: hindi kaya’t hindi lang type ni Ahron si Direk kaya ganu’n?

Ilan pa kayang mga artistang lalantad at makikisakay sa isyung ito na naghahangad din ng airtime? Sa tingin niyo, aabot pa kaya sila sa Senado at magkaka hearing na naman? Saan kaya hahantong ang lahat ng ito?

Direk Daryl Yap, sumasakay

Bakit kaya sumakay na rin si Daryl Yap sa issue ni Ahron Villena at isang Direk? Ang sabi’y “itatag ko sana si Direk Joel Lamangan at ilan pang artistang siya ang nagpaplaster ng titi, kaso naunfriend nya na ako nung 2022. Sayang naman.”

“anlalakas mag-imbento at magkabit sa pangalan ko as Sexual Predator— pero itong mga totoong pangyayari, tahimik.

mga walang pinagkatandaan.”

Personalan na ba ito? Kailangan ba talagang ito ang isinasapubliko ng mga sinasabing alagad ng sining?

Jeric at Rabiya, hindi na bago ang hiwalayan

Break na naman daw sina Jeric Gonzales at Rabiya Mateo? Weno naman ngayon? Parang nasanay na ang mga tao na galit-bati at on and off sila. Nag unfollowhan daw sa social media? That just goes to show na medyo toxic ang kanilang relasyon, di ba? Tapos super passionate naman kapag nagkabati. Mapusok pa at may pagka-immature pa ang relasyon nila - kayanin kaya nila itong ipaglaban hanggang finish line? Abangan na lang natin.

So habang namamayagpag ang pelikula ni Julia Baretto with Joshua Garcia, here comes an announcement ng bagong project para naman kay Gerald Anderson sa Kapa­milya network! Sino ang makaka-partner niya this time? Walang iba kundi si Jessy Mendiola!  Na-excite ba kayo?  Itaas ang kamay!

NAKAKATA- QUOTE:

“Kahit noon o ngayon, never naging tama ang gawaing ganun. Kung totoo man o hindi, hindi mo dapat itolerate ang mga ganung bagay.” - Ahron Villena on his director na nagsabing matagal nang nangyayari ang sexual harassment na parang proud na proud pa siya (Si Joel Lamangan ba iyun talaga?)

vuukle comment

ACTOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with