^

Pang Movies

Solenn, may exhibit sa Japan!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Solenn, may exhibit sa Japan!
Solenn

Na-share ni Solenn Heussaff ang magandang balita sa kanyang Instagram na may kinaalaman sa kanyang pagiging painter. “Slightly quiet from the biz to focus on building my art.  Happy that @provenanceartgallery has given me the opportunity to showcase my work in Tokyo this coming September.

“Though many of you know me for my social realism kind of artworks, I have taken these last years (from my last solo show in 2021) to refocus my energy and tell some stories another kind of way. Looking forward to the critics, good or bad that help me grow as an artist.”

 Hindi lang congratulations ang ipinaabot ng mga kaibigan kay Solenn, si Iza Calzado nga, inaming big fan siya ni Solenn. Ang iba, muling humanga sa husay niya sa pagpipinta, but of course, ang pinaka-proud ay ang mister ni Solenn na si Nico Bolzico sa comment niya na “Talented wife.”

 Pinost din ni Solenn ang reels habang nagpi-paint siya at ang lalaki ng canvas na kanyang gamit. Ang kaibahan pa ni Solenn, hindi lang siya nakatayo o nakaupo habang nagtatrabaho. Nakaluhod pa siya  at gumagapang at ang gaganda ng kanyang paintings.

Samantala, ang cute ng reels ng mga anak ng mag-asawa na sina Tili at Maelys na bumibili ng taho. “Taho monster” ang tawag niya kay Maelys. Ang nakakatuwa pa, naka-paa ang dalawang bata na naglalakad sa labas ng kanilang bahay at bumili ng taho. Pinuri sina Solenn sa pagpapalaki sa kanilang mga anak.

Sparkle show sa Japan, kanselado

Postponed ang Sparkle Goes to Japan show ng ilang Kapuso stars dahil sa darating na malakas na bagyo sa Japan. Naka-schedule sana sa August 31 at September 1 ang event, kaya lang inunahan ang Sparkle ng bagyo.

Naglabas ng advisory ang Sparkle tungkol sa hindi pagkatuloy ng event, pero matutuloy din kapag maayos na ang panahon.

Ipinaalam din ng Sparkle na pina-finalize na ang new dates ng event at i-a-announce agad kapag nakumpirma na.

First time pa naman sana na makasama si Jillian Ward sa event ng Sparkle, hindi pa natuloy with Julie Anne San Jose at Rayver Cruz at iba pa.

Pancho, naki-birthday sa ex misis

Kabilang ang ex husband niyang si Pancho Magno sa nag-greet kay Max Collins ng happy birthday sa kanyang 32nd birthday kahapon.

Magandang example raw sila ng nagkahiwalay na maayos ang relasyon na of course, ang anak nilang si Skye ang matutuwa.

Speaking of Max, nagpapa-tattoo siya sa kanyang likod nang sorpresahin ng mga kaibigan na bigyan ng birthday treat. Dumating ang friends ni Max dala ang boquet of flowers at iba’t ibang cake.

Ang nakakaloka, hindi lang nagpa-tattoo si Max nang batiin ng mga kaibigan. Habang tinatatuhan sa likod, nagpapa-drip din siya at umiinom ng vitamin shot. Three-in-one ang ginawa ng aktres, para raw three-in-one coffee ang event niya sa kanyang birthday.

Isa pa sa bumati kay Max si Marian Rivera na naging kaibigan niya nang magkasama sila sa My Guardian Alien.

Parehong natuwa ang dalawang Kapuso aktres dahil nadagdagan daw ang kani-kanyang kaibigan.

vuukle comment

SOLENN HEUSSAFF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with