^

Pang Movies

Jung Hae-In may papasko sa Pinoy Fans!

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa
Jung Hae-In may papasko sa Pinoy Fans!
Jung Hae-In

Bongga, babalik pala sa bansa ang K-drama heartthrob na si Jung Hae-in na kasalukuyang bida sa romance series na Love Next Door sa Disyembre para sa isang fan meeting.

Magkakaroon daw ito Our Time tour at kabilang nga sa pupuntahan niya ang Manila sa December 21.

Ang dami ko nang napanood na drama series ni Jung Hae-in pero as usual hindi ko maalala ang title.

Basta tama na sa akin ‘yung nag-enjoy ako at kinilig sa kuwento at hindi ko na pinag-iinteresan na alamin ang pangalan nila. Hahahaha.

Hay naku ang Korean drama ang nagiging karamay ko sa mga panahong bored ang buhay ko sa kakabilang ng mga datung ko. Hahaha.

Seriously, ibang kaligayahan ang pagiging adik ko sa K drama na umabot sa paglalasing ko kuno nang hindi ko makita si Song Joong-ki sa Busan International Film Festival.

Eklay ko lang na nalasing ako pero nalungkot lang talaga ako nun dahil nga umaasa ako na makikita ko siya ng personal. Pero waley, nganga.

Pero sa totoo lang, nakailang biyahe rin ako sa South Korea ha pero ni anino ng mga pinapantasya kong makita, nganga ako.

Buti pa nga sa mga fan meeting nila sa Manila, may chance na makita mo sila.

Tapos na ang mga kagagahan ko sa ganun. Tanggap ko na hanggang ilusyon lang ako. Kaloka.

vuukle comment

KOREAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with