^

Pang Movies

Sakit ni Carla, nagkaroon ng komplikasyon

SO CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Sakit ni Carla, nagkaroon ng komplikasyon
Carla

Nagkuwento na si Carla Abellana tungkol sa pagkakaospital niya noong nakaraang buwan.

Tatlong araw daw na-confine sa ospital ang Widows’ War star dahil sa complications sa kidney stones at UTI. Muntik na raw mauwi sa sepsis ang kanyang sakit.

“Dun ko nalaman na may complications na pala. So na-confine ako for three days hanggang sa nag-beg na akong umuwi kasi na-miss ko ‘yung mga aso ko. Tsaka kailangan ko nang bumalik ng trabaho. Thankfully pinayagan naman ako. Wala na ‘yung infection, clear na ‘yung lab tests, x-ray, everything, so ‘yung ano na lang talaga, ubo,” pagtiyak ni Carla.

Nag-iingat din si Carla na ma-stress sa trabaho. Pero dahil sa mabibigat ang mga eksena sa Widows’ War, kinakaya niya ang pagod at parating nagdarasal na hindi siya ulit nagkasakit.

Jackie Lou, may payo sa anak na artista na rin

Proud si Jackie Lou Blanco sa kanyang dalawang anak na pinasok na rin ang showbiz.

Unang nag-artista ay ang bunso nila ni Ricky Davao na si Arabella Davao na kasama sa cast ng Batang Quiapo na panay nga raw ang hingi ng acting tips sa kanya.

“I just tell her to just focus on her character. ‘Yun kasi ang natutunan ko noon sa mga acting workshops. Just love your job and it will love you back,” payo ni Jackie sa anak.

Ngayon ay umaakting na rin ang second child nina Jackie at Ricky na si Rikki Mae Davao at may role ito sa Widows’ War bilang si Rico.

Proud member si Rikki Mae ng LGBTQIA+ community, at happy ito sa kanyang first Kapuso serye.

“Naa-appreciate ko nga ‘yung pagkasulat nito, kasi ‘yung name ko nga is Rochelle pero I really make it a point na no, I prefer Rico. So merong gender identity and sensitivity which I would love to be a representative of that.”

Taylor, most awarded na sa VMA

Nagtala ng bagong record si Taylor Swift bilang “most awarded artist in the history of VMA.” Humakot ng pitong Moon Man trophies si Taylor sa 2024 Video Music Awards or VMAs. May total of 30 VMAs na si Taylor.

Bukod sa Artist Of The Year, nauwi rin ni Taylor ang Best Pop, Best Editing, Best Direction, Song Of Summer, Best Collaboration (with Post Malone) and Video Of The Year para sa hit single na Fortnight na galing sa album niya na The Tortured Poets Department.

Nanalo rin ng VMA sina Chappell Roan (best new artist); Lisa (best rockstar); Seventeen (best group); Katy Perry (Iconic Performance); Eminem’s Houdini (best visual effects); Ariana Grande’s We Can’t Be Friends (best cinematography); Megan Thee Stallion, Yuki Chiba’s Mamushi (best trending video); Megan Thee Stallion’s BOA (best art direction); Sabrina Carpenter’s Espresso (best song); Benson Boone’s Beautiful Things (best alternative video); Billie Eilish’s What Was I Made For? (Video For Good); Le Sserafim’s EASY (best push performance); Tyla’s Water (best afrobeats); Lenny Kravitz’s Human-Album Version (best rock video); Anitta’s Mil Veces (best latin video); SZA’s Snooze (best R&B video); Dua Lipa’s Houdini (best choreography); Eminem’s Houdini (best hip-hop video);

Ang tumanggap ng Michael Jackson Video Vanguard Award ay si Katy Perry.

CARLA ABELLANA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with