Alden at Kathryn, hindi pa sumubok mag-date!
Aminado si Kathryn Bernardo na curious siya kung paano maka-date ang ka-loveteam at leading man sa Hello, Love, Again na si Alden Richards.
Sumalang ang KathDen sa Lie Detector Drinking Challenge na mapapanood sa Rec-Create vlog at tinanong nila ang isa’t isa ng iba’t ibang questions on personal life and career.
Kapag ‘lie’ ang resulta ng lie detector machine ay iinom sila ng isang shot ng alak.
Isa sa tanong ni Alden kay Kath ay “have you ever wondered what it would be like to go on a date with me?”
Pag-amin ng aktres, “yeah, I think so. Parang nakaka-curious paano ka makipag-date.”
Nakuryente si Kathryn sa lie detector test which means “lie” ang kanyang sagot. Biro ni Alden, ‘yung machine ang may problema.
Paliwanag naman ni Kath, “I actually have no idea that’s why I’m curious. Hindi ko alam kung paano siya makipag-date so I wonder. Romantic ba siya? Medyo ano ba siya? Iba-iba kase ang style ng mga guys, right?”
Sagot naman ni Tisoy (Alden), simple lang naman daw siya makipag-date.
“Go to a nice restaurant, good food pa rin. ‘Yun ang love language na I think is the best love language na pwede kong ma-offer,” sabi ni Alden.
Tinanong ni Kathryn naman si Alden ng “if you were to rate yourself as a dyowa, what would it be? 10 being the highest.”
Sagot ng aktor ay 7. Natawa naman si Kath dahil ang baba raw. Hindi naman nakuryente si Tisoy, in fairness.
Paliwanag niya, “kasi, parang ako, I really don’t know how am I as a partner at this point in my life. So, parang ang hirap din kasing mag-presume how you are, eh. Siyempre, iba pa rin ‘pag andu’n ka na sa actual situation. So, right now, para hindi rin masyadong over-promised.”
Ang tanong naman ng marami, hindi pa raw ba nagdi-date sina Alden at Kathryn?
Ate Vi, nag-alala kay Claudine!
May sakit si Claudine Barretto at naka-confine siya sa hospital base sa kanyang latest Instagram post.
Nagbahagi ang aktres ng mga larawan and videos niya habang nasa ospital. Hindi niya sinabi kung ano talaga ang kanyang sakit pero binanggit niya na mababa raw ang kanyang blood pressure.
Dumagsa naman sa comment section ang well-wishers ni Claudine at ipinagdadasal ang kanyang paggaling.
Isa nga sa nagbigay ng “get well soon” message kay Clau ay ang nanay-nanayan niyang si Vilma Santos.
“Claude my baby ... praying for you !!! Plsssss BE WELL b i love you,” mensahe ni Ate Vi.
Sinagot naman ito ni Claudine at sinabing mas maigi na ang pakiramdam niya.
“Ate idol!!!! l call u later Ate.im better na Ate.lalo na later once i hear you’re voice.i miss u & i luv u.Ate im scared,” reply niya sa Star for All Seasons.
- Latest