Nadine, ‘di kinatakutan!
Although si Wilbert Ross lamang ang nagpa-sexy sa mga pelikula among his former colleagues sa Hashtags, inamin nitong pagkatapos niyang makagawa ng more or less ten sexy films for VMX (Vivamax) ay hinto na siya sa sexy films at sa halip ay balik wholesome movies, na suportado ng kanyang management company, ang Viva Artists Agency. At natutuwa siya dahil sunud-sunod ang mga proyektong kanyang ginagawa without requiring him to bare.
Wala umano siyang pinagsisihan sa paggawa ng sexy movies dahil marami rin daw siyang natutunan sa naging mga katrabaho. He’s also privileged na mapasama sa dalawang mega hit movies na Hello, Love, Goodbye in 2019 at ang sequel nitong Hello, Love, Again na pinagbidahan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na kasalukuyang gumagawang muli ng kasaysayan sa box office.
Palabas naman ngayon sa Amazon Prime Video ang Nokturno na pinagbibidahan ni Nadine Lustre at pinamahalaan ng award-winning young director na si Mikhail Red.
Aminado ang singer, dancer at actor na na-intimidate umano siya kay Nadine pero na-discover niya na hindi lamang ito mahusay na actress kundi napakabait at professional sa trabaho.
Gary V, pinagtanggol ang misis
“Angeli is a very misunderstood person,” pagtatanggol ni Mr. Pure Energy na si Gary Valenciano sa kanyang wife and manager of 40 years, at ina ng kanilang tatlong mga anak na sina Paolo, Gab at Kiana.
Aware si Gary V. sa misconception ng tao sa kanyang misis na nakatutok din kanyang health condition.
Mahigpit din si Angeli sa kontrata ng kanyang husband sa shows and concerts dahil sa health issues nito. Kaya nagiging antipatika ang dating niya sa ibang tao.
Gary V. describes his wife as the best wife and mother at grandma sa kanilang dalawang apo na sina Leia at Luch.
Gary is not only celebrating his 40th anniversary in the entertainment industry kundi nagsi-celebrate rin sila ng kanyang wife na si Angeli ng kanilang 40th year bilang mag-asawa sa taong ito.
Sexy star, ‘di kinakahiya ang tatay na trans!
Alam mo, Salve A., pang-Magpakailanman ang kwento ng buhay ng VMX sexy star na si Sahara Bernales, ang bida ng sexy movie na Maryang Palad na pinamahalaan ni Roe Pajemna sa kung saan din tampok sina Vince Rillon, Mark Dionisio at si Jem Milton now streaming on VMX.
Si Sahara ay 25% aeta (sa mother side) at trans naman ang kanyang ama. Anim silang buong magkakapatid habang may dalawa pang anak ang kanyang Papa (sa dalawang magkaibang babae) pero ang kanyang ina ang pinakasalan.
Ang ina niya na dating OFW ang nanligaw umano sa kanyang papa na ‘babaeng-babae’ pa noon magdamit at kumilos. Nagkakilala ang dalawa sa parlor na pag-aari mismo ng father ni Sahara.
Dahil brokenhearted umano noon ang papa niya sa dati nitong boyfriend, binago niya ang kanyang look. Nagpakalbo umano ito at pinakasalan ang kanyang ina.
Matapang daw ang kanyang ama kaya walang nambu-bully sa kanilang magkakapatid sa school.
Never daw niyang ikinahiya ang kanilang ama dahil hindi naman daw ito nagpapabaya ng obligasyon sa kanilang pamilya.
- Latest