^

Pang Movies

25th I-Witness Talks nagbigay-inspirasyon sa aspiring journalists

Salve V. Asis - Pang-masa
25th I-Witness Talks nagbigay-inspirasyon sa aspiring journalists

MANILA, Philippines — Bilang bahagi ng ika-25th anniversary nito, idinaos ng flagship at acclaimed documentary program ng GMA na I-Witness ang i-25: The I-Witness Talks nitong August 20, kung saan nagtipon-tipon ang mga estudyante mula sa iba’t ibang paaralan sa Blessed Frassati Auditorium ng University of Sto. Tomas.

Ibinahagi ng I-Witness hosts na sina Kara David, Howie Severino, Atom Araullo, Mav Gonzales, at John Consulta ang kanilang mga karanasan sa paggawa ng dokumentaryo. 

Ikinuwento ni Kara ang fulfillment na kanyang nadarama sa paggawa ng sariling scripts at pinaalalahanan ang mga nagnanais maging dokumentarista na may kapangyarihan sila dahil makapangyarihan ang mga kuwentong nililkha nila.

Isinaad naman ng veteran journalist na si Howie kung paano siya nag-umpisa sa industriya. Pinayuhan din niya ang mga estudyante na maaari silang maging dokumentarista sa kanilang sariling paraan.

Samantala, inilahad ni Atom ang ilang kuwentong ginawa niya para sa I-Witness at binigyang-diin ang kahalagahan ng pagiging isang witness.

Bilang isa sa mga pinakabagong host ng I-Witness, ikinuwento ni Mav na noon pa man ay pangarap na niyang maging bahagi ng I-Witness. Ginamit na rin niya ang pagkakataon para payuhan ang mga estudyanteng nangangarap mag-produce o mag-host ng mga dokumentaryo.

Tulad ni Mav, naging bahagi ng I-Witness si John noong nakaraang taon lamang. Inilahad ni John ang mga karanasan niya sa kanyang mga controversial coverage at pinayuhan ang mga aspiring journalist na palaging gamitin ang boses sa pagtindig para sa katarungan.

Matapos ang talk session, nabigyang-pagkakataon ang mga estudyante na magtanong sa open forum at ma-meet ang I-Witness hosts sa meet-and-greet session.

Niña at Migs, sanib-pwersa

Nagsasanib-pwersa tuwing hapon sina Niña Corpuz at Migs Bustos upang magbahagi ng mga makabuluhan at nakaaantig na kwento sa Nagseserbisyo Niña Corpuz at Migs Bustos, isang komprehensibong programa tungkol sa serbisyo publiko na tumutugon sa mga isyu sa kalusugan, edukasyon, negosyo, at iba pa.

Umeere sila tuwing Lunes hanggang Biyernes 4:30 p.m. sa Radyo 630 at Teleradyo Serbisyo sa TV upang mas mapalapit ang mga serbisyo ng iba’t ibang grupo sa mga Pilipino. “Gusto naming ilapit ‘yung mga serbisyo ng pamahalaan, ng grupo, ng isang organisasyon - whether private or government - sa mga tao. Nandiyan naman ‘yung mga serbisyo na ‘yan, minsan kailangan lang ng impormasyon para mailapit sa kanila ‘yung mga serbisyo na kailangan nila,” sabi ni Niña.

Tampok din ng programa ang mga kuwentong napapanahon tulad nalang ng mga gabay kung paano mag-aplay ng government loans na hindi alam ng lahat.  

Dahil layunin din nila na mag­hatid ng good vibes, meron itong iba’t ibang mga segment tulad ng KOTD (Kaserbisyo ng Araw), Doktor Serbisyo, Grow Negosyo, Pet-malu, at  Sino po Sila, na nagtatampok ng mga modern-day heroes na gumagawa ng makabuluhang mga bagay para sa lipunan.

Ayon naman kay Migs, nagiging makabuluhan ang kanyang trabaho pag may na-iinspire silang mga tagasubaybay. Dagdag pa niya na nagsisilbing plataporma upang makilala ng publiko ang mga indibidwal na may kahanga-hangang mga kwento. “Tayo lang ‘yung tagapaghatid ng balita at para maging bida ‘yung iba. So fulfilled kami in our own way kapag may na-inspire sa kwentong ‘to or meron kaming natulungan because of this interview,” kwento ni Migs na proud daddy sa kanilang first baby ng misis na si Mischi.

vuukle comment

GMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with