^

Pang Movies

Female performer, tinanggihan ng mga dating katrabaho

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Sinubukan pala ng isang magaling na female performer na sa ibang bansa na naninirahan na mapasali sa isang grupo ng stars na magkakaroon ng concert tour sa bansa na tinitirhan niya.

Eh mahusay naman ang performer lalo na pagdating sa kantahan. May kikay moments din siya kaya dahil nasa bansa na siya nang pupuntahan niyang grupo, nilapitan niya ang dating kakilala upang isama siya sa performers.

Pero tinanggihan daw si female performer. Hindi dahil hindi siya magaling, huh!

Inayawan siya kasi sa ginawa niyang paglipat sa ibang network. Eh ‘yung promoter ng tour, ang network na pinagmulan niya!

Kaya ‘yung namamahala sa show, ‘yung mga tao iniwan niya noon sa network na pinigilan siyang umalis pero itinuloy pa rin ang paglayas!

Ara, walang inaayawang trabaho

Walang masamang tinapay kay Ara Mina! Basta may dumating na trabaho, tanggap lang siya nang tanggap!

Napapanood sa TV series na Padyak Princess si Ara kahit parang kontrabida sa bidang si Miles Ocampo ang role niya, huh!

May natapos na ring pelikula si Ara, ang Marcos Mamay Story na nagkaroon ng special screening ang movie kamakailan.

 Bilang ganti sa trabahong ibinigay, dumalo si Ara sa screening at naging magiliw sa Muslim peeps na dumalo bilang suporta kay Mayor Mamay ng Nunungan, Lanao del Norte. Mula sa direksiyon ni Buboy Tan ang movie na inspiring at malapit nang mapanood sa mga sinehan.

vuukle comment

ARA MINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with