Jennylyn, naisip ang mga PDL sa best actor ni Dennis
Hindi pala tinanggap ni Dennis Trillo ang cash prize na P100,000 na kasama sa pagkapanalo niya bilang best actor sa Metro Manila Film Festival.
Binigay ni Dennis ang cash prize bilang donation sa Tree of Hope, na isang grupo na tumutulong sa mga PDL o Persons Deprived of Liberty.
Ayon sa talent manager na si Jan Enriquez, ang misis ni Dennis na si Jennylyn Mercado ang nag-suggest na i-donate na lang ‘yung cash prize sa mga PDL.
“After Dennis accepted his award ay may lumapit sakin na staff para i-claim na daw ang napanalunan 100k courtesy of sponsor Playtime. So ako na nag-claim on Dennis’ behalf and inabot sa akin ito in cash.
“Iaabot ko na dapat kay Jen, then sabi ni bessie, ‘bessie, i-donate na lang natin iyan sa mga PDL’
“And agad agad ko itong inabot kay JC Rubio na siyang may konek sa grupo ng mga PDL kung saan hango o inspired ang Tree of Hope.
“Lingid sa kaalaman n’yo na may totoong Tree of Hope sa isang facility and doon po gagamitin ang 100k para matupad ang mga munti nilang hiling. When i say munti as in simple talaga minsan hiling lang nila bagong tshirt, shorts, sapatos, diapers para sa baby nila sa labas etc.”
Namayapang si Direk Maryo J., noon pa bilib kay Ruru
Ang yumaong film director na si Maryo J. delos Reyes ang unang naniwala na balang-araw ay tatanggap ng acting award ang mina-manage niya noon na si Ruru Madrid.
Kuwento ng personal assistant ni Ruru na si Anton Cesario, kung buhay lang daw ngayon si Direk Maryo, masayang-masaya ito dahil nakita na ang husay sa pag-arte ni Ruru. “Noon pa lang, nama-manifest na namin ni Direk Maryo na balang araw darating ang oras na aakyat ka sa stage para tumanggap ng mga parangal. Kaya kung nabubuhay man si Direk Maryo na siyang unang naniwala sa iyong talento at naging manager mo, siguradong super happy siya sa lahat ng magagandang natatamasa mo ngayon, lalo na ang award na natanggap mo sa MMFF.”
Pumanaw si Direk Maryo noong January 2018. Nadirek niya si Ruru sa unang pelikula nito na Bamboo Flowers noong 2013.
Britney, naiyak nang makapiling ang anak
Natupad pala ang Christmas wish ni Britney Spears na makasama niya ang isa sa dalawang anak niya na two years na niyang hindi nakikita. Kaya sobrang tuwa ng 43-year old former Teen Pop Queen na nakasama nung nakaraan Pasko ang second son niyang si Jayden James. Ang panganay niyang si Sean Preston ay nasa Hawaii.
Post ni Britney via Instagram: “Best Christmas of my life!!! I haven’t seen my boys in 2 years!!! Tears of joy and literally in shock everyday koo koo crazy so in love and blessed!!! I’m speechless thank you Jesus !!!”
Pinost din ni Britney ang isang video nila ni Jayden na ikinatuwa naman ng mga fans ng singer. Sa Hawaii na raw nakatira ang dalawang anak ni Britney kasama ang father nila at ex-husband niyang si Kevin Federline.
- Latest