Alden at Toni, appreciated sa regalo
Habang papalapit ang pagbabu ng 2024 at pagsalubong natin sa Bagong Taon, oras na para sa pagdiriwang, pagninilay, at pag-asa.
Ang okasyong ito ay nagmamarka hindi lamang sa paglipat sa isang bagong taon ng kalendaryo kundi isang pagkakataon din na magtakda ng mga bagong layunin at tanggapin ang mga bagong simula.
Nangangahulugan ito ng isang bagong simula, na nagbibigay-daan sa mga indibidwal na pagnilayan ang nakaraang taon habang umaasa sa mga bagong karanasan at pagkakataon.
Pero siyempre, 78 na ako, iba na ang pananaw ko sa bagong taon.
Like mentally, pagod na ako sa pagsusulat ko sa social media.
Kaya nag-decide ako na hindi na ako magpo-post sa Instagram account ko sa susunod na taon.
Mentally tired na ako talaga at parang ayaw ko na talaga munang sagarin ang utak ko at langhapin ang aking semi-retired position.
No need to prove anything or be transparent on how I feel. Para ngang kung minsan sawsawera pa ang dating ko.
Basta I feel completely happy this Christmas.
Maraming salamat sa mga nakaalala sa akin ngayong Pasko na talagang nag-effort na magdala ng regalo sa Fairview.
Thank you kay mama Ten at Alden Richards at lalo na kay Paul Soriano at Toni Gonzaga. Ganundin kay Belle Mariano. I really appreciate their gifts.
Sa non-showbiz friends naman namin nila Salve, andyan sina Bernard, Marivic, Faye at Tet, I’m very grateful for their friendship.
It was a very happy life na talagang utang ko sa showbiz.
Bongga.
Happy new year sa ating lahat.
Sana ay mas maging masaya para sa lahat ang 2025.
- Latest