^

Pang Movies

Stell walang paki kahit na pinagdududahang bading, super crush si Maris

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Stell walang paki kahit na pinagdududahang bading, super crush si Maris
Stell

Si Maris Racal pala ang ultimate celebrity crush ng miyembro ng SB19 na si Stell. Nag-guest kasi ang grupo sa “Fast Talk with Boy Abunda” na inere last Monday (part 1) and Tuesday (part 2) at isa nga sa natanong sa kanila ay kung sino ang crush nilang artista.

Ang bilis ng sagot ni Stell na “Maris Racal.”

Si Josh naman ay si Yeji ng K-pop girl group na Itzy ang kanyang crush.

Si Justin naman ay ang Hollywood actress na si Saoirse Ronan ang isinagot.

Sey naman ni Ken ay wala pa raw nagugustuhan sa ngayon sa mga local o foreign artists kaya pass muna siya.

Pero marami ang naloka sa sagot ni Pablo. Ang kanyang bet ay ang Hollywood superstar na si Keanu Reeves.

Kaya naman lalong nagkaroon ng pagdududa ang mga Marites sa sexuality ni Pablo.

Matatandaang nagkaroon ng issue kina Pablo at Stell nang banggitin ng dating model-actor na si Robby Tarroza sa isang panayam na inakala niyang may relasyon ang dalawang miyembro ng SB19.

Kinabukasan, sa part 2 ng panayam ng SB19 sa Fast Talk with Boy Abunda, finally ay in-address na nila ang issue sa kanilang sexuality.

Ayon kay Stell ay hindi raw problema sa kanya kung pinagdududahan man siyang gay.

“Lagi po akong natatanong or laging nagiging issue sa ‘kin ‘yun and I don’t mind na kung if ever man isipin nila akong ganu’n kasi if ever man na ganu’n ako, what’s the problem?” saad ni Stell.

“May issue ba tayo kung example na maging bakla ako or anything naman na matawag n’yo sa ‘kin? Kasi pare-parehas naman tayong tao, pare-parehas tayong kumakain, pare-parehas tayong dumudumi. So, I don’t think mayroon kang kinalamang sa ‘kin,” paliwanag pa niya.

Pero naiintindihan naman nila kung pinagdududahan man ng mga tao ang kanilang sexuality dahil close naman daw talaga silang magkaka-grupo at nagsasabihan pa nga raw sila ng “I love you” although itinigil na raw nila ito ngayon.

Natatawa na lang daw sina Stell at Pablo na isini-ship sila ng mga tao at hindi raw nila hinayaang makaapekto ito sa grupo or sa kanilang pagkakaibigan.

“Ayaw rin naman pong hayaan na maapektuhan kami as friends, as group. Kasi parang kung sa ‘min, joke lang siya and then, sa mga tao pala, iniisip nilang totoo, tapos gagawan pa ng mas malalang issue,” sey ni Stell.

Si Ken na isini-ship din kay Stell at pati na rin kay Josh ay nagbigay din ng kanyang reaksyon.

“It’s alright as long as katuwaan lang, but to the point na mag-away-away na kayo just because of a petty thing na ganyan, I think, it’s not okay, hindi na siya maganda,” pahayag ni Ken.

vuukle comment

STELL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with