Inflation bumilis sa 2.9 porsyento - PSA
MANILA, Philippines — Bumilis sa 2.9% ang inflation o pagtaas sa presyo ng mga bilihin at serbisyo noong Disyembre ng 2024.
Ayon kay Philippine Statistics Authority (PSA) Usec. Dennis Mapa, mas mabilis ito sa 2.5% inflation noong Nobyembre pero mas mabagal kung ikukumpara sa 3.9% sa kaparehong buwan ng 2023.
Dahil dito, ang full-year average inflation ay naitala sa 3.2% na mas mababa mula sa 6% inflation sa buong 2023.
Anya, pasok pa rin naman ito sa target range ng gobyerno na average inflation sa 2024.
Sinabi ni Mapa na ang pagtaas ng December inflation ay bunsod nang mabilis na galaw sa singil sa kuryente, LPG at renta sa bahay.
Nakaambag din ang mabilis na inflation sa gasolina, diesel at pamasahe sa barko.
Naitala naman sa 3.4% ang food inflation na pangunahing nakaambag sa mabilis na galaw ang presyo ng kamatis, at manok. Nananatili namang mababa ang inflation sa bigas na nasa 1.3%.
- Latest