Pops, nagbanta ng demanda sa mga scammer!
Naloka rin Pops Fernandez sa mga scammer na gumagamit sa kanya at sa pamilya niya para makapanloko ng ibang tao.
Nanawagan si Pops sa publiko na tulungan sila na i-mass report ang Facebook account ng gumagamit sa pangalan ng anak niyang si Ram Nievera nang walang pahintulot nito.
Ipinost ni Pops ang screenshot ng pekeng FB account kung saan makikita ang pekeng testimonya ng anak ng pakikipaglabas sa brain aneurysm.
Sa post niya ay nakalagay na “ADVISORY” na nagdulot daw ng panganib sa pamilya nila ang mga post ng scammer at naapektuhan na raw ang kanyang career at reputasyon.
Mahigpit daw niyang kinokondena ang ganitong mga aksyon.
Ni-report na raw ng kanyang team at tinanggal na ang ibang mga account. Pinatatanggal na raw niya sa mga gumawa nito ang paggamit sa litrato nila at pag-post ng mga pekeng content. Pero kapag pinagpatuloy pa raw ng mga ito ay sinabi niyang kakasuhan na raw nila ito.
Ang “safety at well-being” daw ng kanyang pamilya ang top priority niya at lahat ay gagawin niya para maprotektahan ang mga ito sa exploitation at harassment.
Marami nga raw ang napaniwala sa post nito. Hindi lang din daw si Ram ang biktima nito at marami na nga namang ibang personalidad.
Meron din kasi itong nilagay na litrato ni Ram kasama ang kapatid at ang tatay rin nitong si Martin Nievera na nasa ospital kaya talagang aakalain ng marami na totoo ang pekeng testimonya.
‘Kaloka na talaga ang panahon ngayon, ang daming namemeke.
- Latest