^

Pang Movies

Aktres, maraming alam na kaso ng sexual harassment sa showbiz

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Umangal ang GMA contractor na si Jojo Nones at sinabing ikinulong daw siya dahil nag-invoke siya ng isang constitutional right, na karapatan naman niya pero ganoon pa man hindi binawi ng committee ang desisyong i-contempt kaya naka-detain pa rin siya sa senado. Sinasabi ni Senador Jinggoy Estrada na alam nila at kinikilala nila ang karapatan ni Nones, Pero may kapangyahiran din daw sila for contempt.

Sa una malakas ang loob at palaban pa si Nones nang sumagot sa mga tanong at sinabing sasagot lang daw siya sa korte. Ganun na rin ang stand ni Dode Cruz dahil siguro nga aware din naman siyang malakas ang public opinion laban sa kanila. Sa kabila ng kanilang denials, mas marami pa rin ang naniniwala kay Sandro Muhlach.           

Sa kaso naman ni Gerald Santos, sa kauna-unahang pagkakataon ay pinangalanan niya ang musical director na sinasabi niyang nang-abuso sa kanya. Si Danny Tan. Wala pang comment si Tan sa sinabi ni Gerald. Nagpasalamat din si Gerald sa GMA dahil sa ginawa noong aksiyon laban kay Tan matapos niyang ireklamo, pero hindi raw nila nalaman agad noon ang nangyari kay Tan. Naghahanda na raw ng kanyang mga abogado kung anong kaso ang isasampa nila laban kay Tan hanggang hindi nagla-lapse ang 20 years period para magsampa siya ng demanda.

Samantala, lumantad na rin ang isa pang aktor, si Ahron Villena na nagsabing siya ay inabuso ng isang direktor na diumano ay hinipuan siya habang siya ay tinutulungang maglagay ng plaster para sa isang maselang eksena. Walang binanggit na pangalan si Villena kung sino ang direktor na kanyang tinutukoy pero dahil sa takbo ng kanyang kuwento marami ang nagsabing ang tinutukoy niya ay ang premyadong direktor na si Joel Lamangan.

Dahil sa nagiging takbo ng mga pangyayari, inaasahang marami pang naging biktima ng sexual molestation ang posibleng lumabas para matuldukan na ang hindi magandang kalakarang umiiral sa industriya.

 “Ang industriya ng pelikula sa ating bansa ay malinis at kinikilala, ang mga taong nasa industriya ay mga propesytonal at kagalang-galang na mga tao, may nangyayari mang ganyang pang-aabuso ay masasabi nating hindi naman talaga talamak sa industriya. Pero tama lang iyang nalalantad na ang lahat nang iyan para matigil na. Kung iyan ay mananatiling nakatago at inililihim,magpapatulkoy pa ang mga ganyang pangyayari,” sabi ng isang respetadong aktres na ayaw nang magpakilala at diumano’y may alam sa mga ibang kaso ng sexual harassment sa showbiz.        

Kyline, jackpot kay Kobe

Mukha ngang mahirap nang itanggi ang relasyon ngayon nina Kyline Alcantara at Kobe Paras matapos na maging viral ang mga video at photos nila na nagka-karaoke, habang si Kyline ay nakakandong pa kay Kobe. Sa isang bahagi kitang-kita pa nang halikan ni Kobe sa braso si Kyline.

Mukhang kung ang  fans naman ang tatanungin boto sila kay Kobe para kay Kyline. Sinasabi nga nilang napakaguwapo ni Kobe at hindi na dapat pang pakawalan ni Kyline.

vuukle comment

JINGGOY ESTRADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with