^

Pang Movies

Kate at Fumiya, nag-date sa HK

SO CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Kate at Fumiya, nag-date sa HK
Kate at Fumiya

In a relationship na nga ba si Kate Valdez sa Japanese vlogger na si Fumiya Sankai?

Sa Instagram ay pinost ng Shining Inheritance star ang pamamasyal niya sa Hong Kong Disneyland kasama si Fumiya. Doon nag-celebrate si Kate ng kanyang 24th birthday noong August 21.

First trip naman ni Fumiya sa HK Disneyland at nagpasalamat siya sa Sparkle actress dahil naging extra special ang araw na iyon para sa kanilang dalawa.

Bukod sa pagiging vlogger, isang actor, recording artist at influencer si Fumiya. Meron siyang sariling YouTube channel na FumiShun Base since 2015.

Naging first pure Japanese official housemate si Fumiya sa Pinoy Big Brother: Otso in 2018 kung saan naging 5th big placer siya.

Stell, sinagot ang intriga sa pagiging bading

Sinagot na ng SB19 member na si Stell ang never-ending na tanong tungkol sa kanyang sexuality.

Noon pa raw kinukuwestiyon ang singer ng maraming netizens regarding sa kanyang sekswalidad. Para kay Stell, hindi raw dapat ito pinoproblema ng kahit sino. “Di ko nga rin po talaga maintindihan. Kasi unang-una po, tingin po ba nila insulto ‘yung ganung klaseng bagay?

“Ako, for example, lagi po akong natatanong or lagi pong nagiging issue po sa ‘kin ‘yun and I don’t mind na kung if ever man isipin nilang ganun. Kasi if ever man ganun ako, what’s the problem?”

“So, may issue ba tayo kung for example na maging bakla ako or anything naman na matawag n’yo sa akin? Kasi pare-parehas naman tayong tao, pare-parehas tayong kumakain, pare-parehas tayong dumudumi,” sagot ni Stell na mapapanood bilang isa sa coaches ng The Voice Kids kasama sina Billy Crawford, Julie Anne San Jose, at kanilang pinuno sa SB19 na si Pablo.

Ina at kapatid ni Mariah, sabay namatay

Nagluluksa ngayon ang tinaguriang Queen of Christmas na si Mariah Carey dahil sa pagpanaw ng kanyang inang si Patricia at kapatid na si Alison sa iisang araw lang. “My heart is broken that I’ve lost my mother this past weekend. Sadly, in a tragic turn of events, my sister lost her life on the same day. I feel blessed that I was able to spend the last week with my mom before she passed. I appreciate everyone’s love and support and respect for my privacy during this impossible time,” sey ng 55-year old singer.

Naging open si Mariah sa kanyang memoir na hindi naging maganda ang relasyon niya sa kanyang ina nung lumalaki siya. Pero nagawa niyang maayos ito noong 2010 at nag-duet sila sa Christmas special niya.

Nakaranas naman ng physically and emotional abuse si Mariah sa kamay ng kanyang kapatid na si Alison. Hanggang sa pagpanaw nito, hindi niya ito nakita o nakausap sa mahabang panahon.

vuukle comment

KATE VALDEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with