Danica, Marc at mga anak, negatibo na!
Tinamaan din pala ng COVID-19 si Danica Sotto at ang dalawang anak nila ni Marc Pingris. Inamin niya ito sa kanyang Instagram at nagpasalamat na nalampasan na nila ang challenge na ito.
Ayon kay Danica, siya ang naunang nagpositibo two days after her booster shot. Pagkatapos nito ay nagpakita na rin daw ng symptoms ang dalawa nilang anak. “Healthy and Covid free!!!! Thank you Lord for your healing!!!!
“I tested positive for covid 2 weeks ago, two days after my booster shot. I thought side effects lang ng booster but when I woke up with sore throat and body aches I knew I had to take another test at yun na nga nag positive na.
“The kids started having symptoms 2 days after I had mine. They had sore throat, body aches and fever. Thankfully Marc and our helpers/angels at home were spared at wala na nagkasakit pa. I’m just so glad that it’s finally over! THANK YOU LORD!!!!” pahayag ni Danica.
Ibinahagi rin ng anak nina Vic Sotto and Dina Bonnevie ang mga natutunan niya mula sa karanasan.
“Pray and stay strong! God is our healer amd he wants us well. Having a healthy body is so important! Mas mabilis ang recovery and pls get vaccinated.
“Listen to your body. Get tested after a few days when you feel something is off or when you are exposed to someone who is positive.
“if you have no way of getting tested and you know you were exposed or might be positive, pls stay home! Mag self quarantine ka na.
“ Get help. There’s nothing to be ashamed of. Mas ok if may nasasabihan ka.
“Take your supplements like Vitamin D, Zinc, Vitamin C Follow the quarantine guidelines. Even if you feel ok na, tapusin ang quarantine. Some symptoms show up after 2-3 days pa,” payo ni Danica.
Paolo at Vince, sagaran ang ginawa
Hindi nag-inarte sina Paolo Gumabao at Vince Rillon sa kanilang maiinit na eksena sa pelikulang Sisid na idinirehe ni Brillante Mendoza.
Game na game ang dalawang aktor sa kanilang love scenes at aminado naman si Paolo na mas nadadalian sila sa man to man kissing scene kaysa sa babae.
“For me, mas kumportable ako at mas nadadalian ako pag ang ka-kissing scene ko ay lalaki. Kasi you don’t have to be that delicate. You can tell them right away na, ‘Uy, bro, okey lang ba na gawin ko ‘to?”
“Mas challenging sa babae kasi you have to be more careful. S’yempre, sila ay babae. You want to do your best to respect them and not cross any lines. So, mas madali sa akin ang kissing scene sa lalaki. Mas carefree s’ya,” sey ni Paolo.
Nakatulong din para maging maganda ang resulta ng kanilang love scenes ay ang nabuo nilang closeness habang ginagawa ang movie.
“Kami kasi ni Vince, pagdating na pagdating ko pa lang sa set, my first goal was to establish a relationship with him. And ako, sobrang na-appreciate ko rin si Vince kasi naramdaman ko rin na ’yon din ang goal n’ya, to establish a relationship with me para maganda ang mga eksena namin.
“So, first night pa lang naman nagkita ni Vince sobrang close na namin agad. Next day, nagyayaan magkape. Sa sobrang close namin wala ng problema ‘yong mga bed scenes,” kuwento ni Paolo.
Importante rin daw na nag-uusap sila ni Vince bago gawin ang isang maselang eksena.
“Mag-uusap kami before the scene tapos sasabihin n’ya lang sa akin, Ano p’re? Sasagarin ko ‘to ha? Ako rin bro. Tara, sagarin natin para one take.”
“Ganu’n kami mag-usap ni Vince kaya na-appreciate ko rin talaga si Vince dito,” tsika pa ni Paolo.
Napanood na namin ang Sisid sa advance screening last Tuesday and we’d say pasabog talaga ang love scenes nina Paolo and Vince.
Mapapanood na ang Sisid sa Vivamax at kasama rin dito sina Kylie Verzosa and Christine Bermas.
- Latest