^

PM Sports

Tropang 5g binuhat ni Williams sa semis

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines —  Buhay na buhay pa ang pag-asa ng Talk ‘N Text sa Grandslam matapos makumpleto ang pagsilat sa twice-to-beat na Magnolia, 80-79, sa 2025 PBA Phi­lippine Cup quarterfinals kahapon sa Ninoy Aquino Stadium sa Maynila.

Sinalpak ni Kelly Williams ang pampanalong free throws sa huling 2.7 segundo para sa ikalawang sunod na panalo ng No. 6  Tropang Giga kontra sa No. 3   Hotshots na armado ng twice-to-beat advantage.

Matatandaang si Williams din ang nagbuslo ng pampanalong free throw sa 89-88 panalo nila sa Game 1 upang makahirit ng do-or-die game.

Bunsod nito ay swak na sa best-of-seven semifinals ang TNT kontra sa mananalo sa  pagitan ng No. 2 NLEX at No. 7 Rain or Shine sa parehong winner-take-all match.

Matapos pagharian ang nakaraang Governors’ Cup at Commissioner’s Cup, pinatunayan ng Tropang 5G ang kalibre nito kahit pa kinailangan ang 2 sunod na panalo sa pamamayani ng beteranong si Williams na humakot ng double-double na 10 puntos at 10 rebounds.

Umalalay sa kanya ang scoring duo na sina Calvin Oftana at Roger Pogoy na may tig-18 puntos para sa tropa ni coach Chot Reyes.

Sakay ng momentum mula sa Game 1, mainit ang naging simula ng Tropang 5G na nakapagtayo pa ng hanggang 14 puntos na kalamangan.

Subalit tulad ng inaasahan bilang No. 3 team sa elimination rounds ay hindi agad sumuko ang Hotshots nang bumalikwas sa second half at maagaw pa ang lamang.

Nahanap ni Jerom Lastimosa ang libreng si Ian Sangalang sa ilalim para mabigyan ng 79-78 kalamangan ang Hotshots sa huling 5 segundo.

Doon na nag-ala-superhero uli si Williams nang sikwatin ang rebound mula sa sablay na jumpshot ni Jordan Heading bago ma-foul ni Rafi Reavis para sa 2 swak na free throws.

GRANDSLAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with