Panganay nina Juday at Ryan, tagos sa pusong kumanta

Ang bongga naman ng panganay nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo na si Yohan na ang ganda pala talaga ng boses.
Meron na itong YouTube channel kung saan pino-post niya ang kanyang mga cover na may 17k subscribers na. Makikitang bago pa lang ang channel niya dahil halos dalawang linggo pa lang ang nakalipas nang una siyang mag-upload.
Napabilib nga ang tagahanga ng parents niya na talented daw pala talaga ang eldest daughter ng dalawa.
Marami nga ang nagulat dahil napaka-low-key raw ni Yohan na hindi nila inakala na kumakanta pala ito.
Napuri sina Judy at Ryan na ang simple ng pagpapalaki sa mga anak nila na tila ine-enjoy lang ang pagkabata nila at hindi masyadong ine-expose ang mga anak.
Maganda nga raw ang ginawa ni Yohan na gumagawa muna ng cover song para mapansin din ito.
Hindi imposible na ipagpoprodyus din ito ng parents niya sa future at maging recording artist siya.
Mas deserving nga raw ito kesa sa ibang mga baguhang celeb ngayon na pinapasikat kahit sintunado naman talaga. ‘Kaloka.
Nakaka-relax kasi talagang pakinggan ang boses niya.
Kinumpara ngayon si Yohan kay Ice Seguerra na simple ang pagkanta niya pero tagos sa puso.
Bongga.
- Latest