^

Pang Movies

Barbie, hataw sa projects

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Barbie, hataw sa projects
Barbie Forteza

Bongga naman na busy as a bee ang Kapuso Primetime Princess na si Barbie Forteza. Nariyang mananakot siya sa sinehan para sa P77 at lalaban para sa pangarap sa primetime sa Beauty Empire.

Sa kanyang ibinahaging clip sa social media, ipinakita ng Kapuso Primetime Princess ang kanyang dubbing session para sa P77.

Habang nanonood ng eksena, halatang nagulat si Barbie at napaatras ang ulo, saka tumawa ng malakas sa sarili.

“Ang hirap mag-focus sa voice dubbing, nauuna yung gulat at takot e,” sabi pa ni Barbie sa kanyang caption.

Sa P77, gagampanan ni Barbie si Luna Caceres, isang dalagang papasok na tagalinis sa loob ng isang misteryosong penthouse. Ipapalabas ang horror film na ito sa mga sinehan sa July 30.

Pero bago nito ay mapapanood sa primetime si Barbie para sa latest TV series niya na Beauty Empire simula July 7.

Nauna na ang pag-ere nito sa Viu Philippines na first week pa lang ay naging number 1 Viu Original series.

BARBIE FORTEZA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with