Dolly, may bagong pagbibidahan

Bibida si Dolly de Leon sa upcoming dark comedy-drama series ng Netflix na Feral.
Gaganap si Dolly bilang si Elena sa seven-episode series. Makakasama niya sina Michelle Dockery bilang Julia, Jessica Gunning bilang Annie, Genevieve O’Reilly bilang Silvana, at Philippa Northeast bilang Suzy.
Base sa bestselling novel ni Shirley Conran na Savages, umiikot ang kwento sa apat na babae na sumama sa kanilang mga asawang mining executive sa isang corporate vacation sa tropical island. Nang malagay sa panganib ang mga lalaki dahil sa kwestyonableng transaksyon, kailangang matutong mabuhay ang kababaihan sa gubat — at sa isa’t isa.
Eric, may sagot sa ‘di pinakikitang misis!
Binunyag ng ‘90s matinee idol na si Eric Fructuoso ang dahilan kung bakit hindi niya pinapakita ang mukha ng asawa sa social media. “Unang una, nirerespeto ko ‘yung privacy niya. Hindi naman siya artista. Minsan kasi, kung ayaw mo masira ang isang bagay, huwag mo nang ipakita sa iba,” sabi ni Eric sa guesting niya sa Your Honor.
Ayon sa kanya, proteksyon niya ito sa kanyang partner. “Marami rin naman tayong naging kaaway na inggit din sa atin... Ako na lang guluhin niyo, pero huwag na ‘yung mga mahal ko sa buhay.”
Nagpapasalamat din siya dahil hindi rin mahilig mag-post ang partner niya.
May mga pagkakataon naman na nagpo-post siya kasama ang asawa pero hindi pinapakita ang mukha nito, lalo na ngayong pareho silang nasa healthy lifestyle at running na nais nilang maka-inspire.
Biniro rin ni Eric na minsan nang nagselos ang asawa niya pero hindi sa type niya. Mas gusto na raw niyang umuwi agad at kasama ang asawa kaysa bumarkada pa.
“Kasi kung lalabas ka pa, gagawan ka pa ng issue... At least ako, kaya wala akong tsismis sa buhay kasi I just stay home,” saad niya.
Ikinasal si Eric sa non-showbiz wife na si Gian sa loob ng 16 na taon bago sila naghiwalay noong 2021.
- Latest




















