^

PM Sports

Meralco iniligwak ng SMB

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Meralco iniligwak ng SMB
Pinasok ni big man Mo Tautuaa ng San Miguel si Cliff Hodge ng Meralco sa shaded lane.
PBA Image

MANILA, Philippines — Itinagay ng San Miguel ang unang tiket sa semifinals matapos ilaglag ang ka­ribal at reigning champion Meralco, 108-97, sa 2025 PBA Philippine Cup quarterfinals kahapon sa Ni­noy Aquino Stadium sa Maynila.

Nagbuhos ng 14-3 si­mu­la ang No. 1 Beermen at hindi na lumingon para sa matamis na higanti sa No. 8 Bolts sa kanilang rematch.

Yumukod ang SMB sa Meralco, 2-4, noong 2024 PBA All-Filipino Finals.

Subalit hindi sa pag­ka­kataong ito upang ma­ka­pagmartsa agad sa best-of-seven semis kontra sa ma­nanalo sa pagitan ng No. 4 Ginebra at No. 5 Converge tampok ang ‘twice-to-beat’ advantage para sa Gin Kings.

Anim na players ang tu­mungga ng double-digits para sa Beermen sa pangu­nguna ng 23 points at 15 rebounds ni eight-time PBA MVP June Mar Fajardo.

Nagbuslo ng apat na tres si Juami Tiongson para sa 19 points, habang may 19 markers din si Don Trollano para sa mga bataan ni coach Leo Austria.

Umayuda sa kanila sina CJ Perez, Rodney Brondial at Mo Tautuaa na may 14, 13 at 10 points, ayon sa pagkakasunod.

Nagtayo ang SMB ng hanggang 18 points matapos makalapit ang Bolts sa 75-79 sa dulong bahagi ng third quarter.

Nasayang ang 32 points ni Chris Banchero para sa Meralco na laglag agad sa pagdepensa nila ng unang PBA title.

PBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with