Bardagulan sa PBA Final Four

MANILA, Philippines — Matira ang matibay na ang tema ng giyera sa 2025 PBA Philippine Cup matapos maikasa ang Final Four cast sa nagdaang quarterfinal round kamakalawa sa Ninoy Aquino sa Stadium sa Malate, Manila.
Tulad ng No. 6 TNT Tropang 5G, nakasilat din ang No. 7 Rain or Shine kontra sa No. 2 NLEX sa kay ng 103-92 panalo sa kanilang ‘do-or-die’ game para kumpletuhin ang semifinals.
Nauna nang naitakas ng Elasto Painters ang 92-89 panalo sa una nilang bakbakan para maisakatuparan ang ikatlong sunod nilang semis appearance.
Makakaharap ng mga bataan ni coach Yeng Guiao sa parehong ikatlong sunod na pagkakataon sa best-of-seven semifinals series ang Tropang 5G ni coach Chot Reyes na hangad ang Grand Slam matapos pagharian ang mga nakaraang PBA Commissioner’s Cup at Governors’ Cup.
“I’m really proud of these guys because now, TNT is there, San Miguel is there, Ginebra is there, and then Rain or Shine is there. Sino ba kami? Parang gate crasher lang kami dito,” sabi ni Guiao.
Ranggong ika-6 ang TNT subalit tinalo rin ng dalawang beses ang No. 2 Magnolia tampok ang 80-79 panalo sa ‘winner-take-all’ game noong Sabado matapos ang 89-88 tagumpay sa una nilang pagtutuos.
Ang beteranong si Kelly Williams ang nagsilbing bayani sa parehong laro sa likod ng kanyang game-winning free throws.
Ang sinumang lumusot sa dalawang koponan ay aabante sa best-of-seven finals series kontra naman sa magwawagi sa kabilang semis bracket tampok ang No. 1 San Miguel kontra sa No. 4 Ginebra.
Taliwas sa Road Warriors at Hotshots, sinulit ng Beermen at Gin Kings ang kanilang mga hawak na ‘twice-to-beat’ incentives nang sibakin kaagad sa isang subok lang ang No. 6 Converge FiberXers at No. 8 Meralco Bolts na siyang reigning champion sa All-Filipino conference.
Kinaldag ng Ginebra ang Converge, 88-80, habang tinalo ng San Miguel ang Meralco, 108-97, para sa matamis na higanti matapos matalo sa nakaraan nilang Finals showdown.
- Latest