^

Police Metro

2 inuupahang bahay na ginawang bodega ng mga nasabat na droga, sinalakay

Ed Amoroso - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sinalakay ng mga otoridad ang dalawang paupahang bahay na hinihinalang ginamit na bodega ng nakumpiskang 1.4 toneladang shabu na nasa P9.68 bilyon sa checkpoint sa Alitagtag, Batangas.

Armado ng search warrant na inisyu ng korte ay sinalakay ang dalawang inuupahang bahay na ilang metro ang layo mula sa Yacht place sa Barangay Natipunan, Alitagtag.

Wala nang laman ang mga bahay at walang marka ng droga. Kasaluku­yang tinutunton ng mga otoridad ang pagkaka­kilanlan ng may-ari ng mga inuupahang bahay.

Ayon sa mga imbestigador na may dayuhang umupa ng yate at dalawang bahay nang dumating ito sa baybayin ng nasabing barangay sa Nasugbu noong Marso 30.

Nasa kustodiya ng pulisya ang dalawang yate na nagbibiyahe ng shabu at ngayon ay sumasailalim sa iba’t ibang pagsusuri na isinagawa ng mga tauhan ng forensic unit.

vuukle comment

ILLEGAL DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with