^

Police Metro

Tinedyer na babae tigok sa sunog

Mer Layson - Pang-masa
Tinedyer na babae tigok sa sunog
Kinilala ang biktima sa alyas na ‘Amira,’ at residente ng Brgy. San Juan, Morong.
File

MANILA, Philippines — Isang 14-anyos na dalagita ang nasawi nang makulong sa loob nang nasusunog nilang bahay sa Morong, Rizal kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang biktima sa alyas na ‘Amira,’ at residente ng Brgy. San Juan, Morong.

Sa pagsisiyasat ng Morong Municipal Police Station, dakong alas-5:00 ng hapon nang magsimulang sumiklab ang apoy sa bahay ng biktima.

Nadiskubre na lamang ang nakadapang bangkay ng biktima sa loob ng kanyang silid habang nagsasagawa ng clearing operation ang mga otoridad matapos na maapula ang sunog, alas-5:20 ng hapon.

Nagsasagawa na ng masusing imbestigasyon ang mga otoridad upang matukoy ang pinagmulan ng apoy at halaga ng mga ari-ariang naabo.

vuukle comment

SUNOG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with