^

Police Metro

Pangulong Marcos pinaghahanda ang alyansa sa Partido Federal sa 2025 midterm elections

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinaghahanda na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang mga kapartido sa Partido Federal ng Pilipinas sa nalalapit na 2025 midterm elections.

Anya, na mahalagang makapagsimula na silang bumuo ng mga komite para pag­handaan ang eleksyon dahil magsisimula na ang paghahain ng kandidatura sa buwan ng Oktubre kaya asahan na magiging maliwanag na sa mga susunod na buwan kung aling partido pulitikal sa bansa ang kanilang magiging kaalyansa o koalisyon.

Maliban pa rito, nais din ni Pangulong Marcos na magkaroon na sila ng malinaw na line up ng mga kandidato mula sa national hanggang local level o sa Congress,  municipal at city levels pagdating ng Oktubre para aniya makapagplano nang maayos.

Naniniwala naman si Pangulong Marcos na hindi nagbabago ang gusto ng taongbayan na pagkakaisa at ayaw na ng mga ito na nag-aaway-away.

Dahil dito, isinusulong aniya ng partido ang adbokasiya tungo sa pag-unlad at ikabubuti ng bansa, pagpapaganda ng ekono­miya, pagbabantay sa pang araw-araw na buhay ng bawat Filipino at pakikipaglaban sa karapatan ng bansa sa international scene.

Kinumpirma ni Pangulong Marcos na nakikipag-usap na siya sa iba pang lider ng iba’t ibang partido pulitikal.

vuukle comment

FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with