Obrero umihi mula ika-3 palapag nahulog, tepok
MANILA, Philippines — Isang construction worker ang nasawi matapos na mahulog mula sa ikatlong palapag habang umiihi kamakalawa ng gabi sa Brgy. Sta. Teresita, Quezon City.
Kinilala ang nasawing biktima na si Roland Pinoliad, 37, stay in sa No. 41 Halcon II St., Brgy. Sta. Teresita, Quezon City.
Sa pagsisiyasat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), nangyari ang aksidente alas-10:45 ng gabi nitong Miyerkules sa construction site sa No. 41 Halcon II St., Brgy. Sta. Teresita, Quezon City.
Nabatid na nag-iinuman sa ikatlong palapag ng naturang construction site ang biktima kasama ang katrabaho na si Ronald Mondrago, 28 nang tumayo ang una upang umihi.
Dala ng kalasingan ay nahulog ang biktima at lumagapak sa ground floor.
Dinala sa ospital ang biktima, subalit binawian din ng buhay.
- Latest