^

Police Metro

Estudyante nanghalay ng lasing na estudyante, tiklo

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inaresto ng mga otoridad ang isang 18-anyos na estudyante matapos na ireklamo ng kanyang kapwa estudyante na ginahasa nito  habang natutulog dahil sa kalasingan sa loob ng tahanan nito sa Malate, Manila.

Kinilala ang suspek na si Allan Detorres, 18, Grade 11 student, at residente ng La Purisima St., Paco, Manila na inaresto, alas-10:00 ng gabi sa kanyang bahay, bunsod ng reklamo ng 13-anyos na biktima, isang Grade 8 student.

Sa ulat ng Malate Police Station 9 (PS9) ng Manila Police District (MPD), alas-10:00 ng gabi ng Abril 30 nang maganap ang krimen sa tahanan ng biktima sa Espiritu St., Malate.

Bago ito ay nagkaya­yaan umano ang suspek at biktima na mag-inuman kasama ang pito pa nilang kaibigan.

Matapos umanong makakonsumo ng dalawang bote ng gin ang biktima ay nalasing na ito at nahilo kaya’t nagdesisyon nang matulog sa loob ng kanyang silid.

Nagising na lang umano ang biktima nang maka­ramdam ng pananakit ng kanyang pagkababae at nang imulat ang kanyang mata ay nakitang nakapatong na ang suspek sa kanya at isinasagawa ang panggagahasa.

Tinangka pa umano ng biktima na manlaban ngunit nagawa pa rin ng suspek na ilugso ang kanyang puri.

Dakong alas-8:00 ng gabi kamakalawa ay ka­agad na nagtungo sa pulisya ang biktima kasama ang kanyang ina at inireklamo ang suspek na agad din inaresto.

Nakapiit na ang suspek at mahaharap sa kasong statutory rape at paglabag sa Republic Act 7610 o Anti-Child Abuse Law.

vuukle comment

RAPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with