^

Police Metro

Police official utas, sinitang armado dedo rin

John Unson - Pang-masa
Police official utas, sinitang armado dedo rin
Kinilala ang nasawing­ biktima na si Captain Roland Moralde ng 14th Mobile Force Battalion ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR) na nagtamo ng tama ng bala sa ulo at katawan.
File

MANILA, Philippines — Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang police captain matapos na siya ay pagbabarilin ng lalaki ng kanyang sinita nang mapansin na may sukbit na baril sa baywang habang naglalakad sa isang palengke sa Parang, Maguindanao del Norte, kahapon ng umaga.

Kinilala ang nasawing­ biktima na si Captain Roland Moralde ng 14th Mobile Force Battalion ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR) na nagtamo ng tama ng bala sa ulo at katawan.

Napatay naman ang bumaril kay Moralde, na kinilalang si Mohiden Ramalan Untal nang ito ay manlaban sa mga nag­res­pondeng pulis.

Ayon sa mga saksi, may sadya sa palengke sa Barangay Poblacion ng Parang si Moralde ng kanyang napansin na may baril sa bewang si Untal sa hindi kalayuan kaya niya ito nilapitan at sinitang mag-isa.

Agad na bumunot ng baril si Untal at pinagbabaril si Moralde, na bagaman may tama ay nagawa nitong makaganti ng putok at tinamaan ang una.

Duguang tumakbo palayo si Untal na tinugis ng mga pulis at nang maabutan ay pinasusuko ito, subalit nagpaputok kaya’t binaril­ siya ng mga kasapi ng Parang Municipal Police Station.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with