^

Police Metro

Mag-asawang NPA top lider, 6 pa sumuko

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang mag-asawang mataas na lider ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) at anim ng mga itong tauhan ang bo­luntaryong sumuko sa mag­kakahiwalay na insidente sa Surigao del Sur.

Sa report ni Army’s 4th Infantry Division (ID) Commander Major Gen. Jose Maria Cuerpo II, ang naturang mga rebelde ay sumurender nitong Abril 26 at 30 ng taong ito.

Kinilala ang sumukong opisyal ng mga rebelde na sina Joel Maca Mahinay alyas Ka Nicko/Manu, Deputy Secretary at misis nitong si Linebeth Mahinay alas Dayding/Jeva, Finance/Logistic Officer ng NPA North Eastern Mindanao Regional Committee.

Ang mga ito ay sumuko kasama ang apat nilang miyembro sa tropa ni Lt. Col. Vincent Viray, Commander ng Army’s 36th Infantry “Valor’ Battalion (IB) sa nasabing lalawigan kamakailan.

Ang apat pang sumurender ay nakilala namang sina Mandy Juagpao alyas Reyan, Medic ng Platoon 1, Jonmar Mahinay alyas Ching, team leader ng Squad 1 ng Platoon 1 at mga kasamahan nilang sina Joseph Montenegro alyas Jomar at Eloy Suazo.

Sinabi ng opisyal na sa pagsuko ng mag-asawang Mahinay ay agad silang nagsagawa ng follow-up operations nitong Abril 27-29 sa itinurong arms cache ng mga rebelde na natunton sa Brgy. Agsam, Lanuza, Brgy. Maitum at Brgy. Awasian, pawang sa Tandag City.

Nakumpiska sa ope­rasyon ang 12 matataas na kalibre ng mga armas­ kabilang ang apat na CZ858 rifles, tatlong M16, dalawang M14 rifles, isang M4 carbine rifle, isang bushmaster rifle, isang grenade launcher at iba pang mga war material tulad ng bandoliers, mga bala at magazine ng iba’t ibang armas.

vuukle comment

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with