^

PSN Showbiz

R’Bonney, nakipagbakbakan sa Divisoria!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
R�Bonney, nakipagbakbakan sa Divisoria!
R’Bonney Gabriel
STAR/File

Ang bongga naman ng Miss Universe 2022 na si R’Bonney Gabriel na sinusulit ang oras niya dito sa Pilipinas.

Pati nga ang Divisoria ay binisita niya para mamili ng tela.

Binahagi ng beauty queen-fashion designer ang short clip ng kanyang pagpunta sa Divisoria.

Aniya napraktis niya ang pagtawad, pakikipagbakbakan sa init pero nahirapan daw siyang pigilan ang sarili na bilhin ang lahat ng tela roon.

Madalas daw pala siyang pumunta roon noong bata pa siya tuwing bumibisita siya sa bansa. Naaalala pa raw niya ang pagbili niya ng Juicy Couture purses at mga damit.

Bukod sa pagbili ng mga tela at sinulid, sumakay rin siya ng tricycle para naman bumili ng sewing machine.

Wala nga raw itong kaarte-arte ayon sa netizens.

Tuwang-tuwa naman siya sa kanyang ‘baby’ na sewing machine at tagumpay raw ang araw niya.

‘Suntok sa dibdib’

Nalungkot naman ako sa photo ni Jopay Manago na ipinakita sa akin ni Salve.

Natuwa naman ako na nakita siyang nakangiti at parang at peace naman sa kalagayan niya. Pero kahit ano pang sabihin mo hindi ko talaga matanggap ‘yung reason na ‘pag tumanda ka na malalayo ka na sa mga kasama mo at sa Home for the Aged ka na mapupunta.

Siguro nga aral na dapat kahit paano meron kang konting pera para maging sure ka sa magiging kalagayan mo ‘pag tumanda ka na. Or dapat talaga nasa piling ka ng mga tao na alam mong may pagmamahal sa iyo.

Na-senti na naman tuloy ako dahil talagang malaking aral sa buhay ang nangyari at nakita ko kay Jopay. Talagang ‘yung nakita ko na pagtratrabaho niya noon at sinasabi niya na tumutulong siya sa mga pamangkin niya, pagkatapos malalaman mo na sa Home for the Aged lang pala siya tatanda, ang sakit ng suntok sa dibdib.

Kasi nga nandu’n ang tanong na nasaan ang mga tinulungan niya. Naku siguro nga iba-iba rin talaga ang kapalaran ng bawat isa sa atin. Siguro nga our life is our choice. Our journey is what we want to take.

At kung sakali nga na dumating ang araw na pabayaan tayo ng mga tao sa paligid natin, wala tayong magagawa. Kaya nga lagi na lang nating idasal na sana hanggang pagtanda nasa paligid pa rin natin ang mga tao na may pagmamahal sa atin. God help us. Amen.

vuukle comment

MISS UNIVERSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with