^

Bansa

Alamin kung ano ang mindful snacking sa 5th ‘State of Snacking’ report sa Pilipinas

Pilipino Star Ngayon
for Mondelez International
Alamin kung ano ang mindful snacking sa 5th ‘State of Snacking’ report sa Pilipinas
Ang State of Snacking ay isang pandaigdigang pag-aaral ng mga consumer trends na sumusuri sa mga insight sa kung paano gumagawa ang mga consumer ng mga desisyon sa meryenda o snacks.

MANILA, Philippines — Inilabas ng global snacking company na Mondelez International ang ikalimang edisyon ng State of Snacking report. Ayon dito, ang mga mamimili ay kumakain ng mas maliliit na portion ng pagkain, nagmemeryenda nang may atensyon at intensyon, nananatiling tapat sa kanilang mga paboritong brand ng meryenda, at pumipili ng mga meryenda na ginawa sa sustainable na paraan.

Sa isang panel discussion tungkol sa State of Snacking sa Pilipinas, kinumpirma ng mga eksperto na ang mga Pilipino ay mas nagpapahalaga ngayon sa kanilang well-being at sa kapakanan ng planeta.

Ang State of Snacking ay isang pandaigdigang pag-aaral ng mga consumer trends na sumusuri sa mga insight sa kung paano gumagawa ang mga consumer ng mga desisyon sa meryenda o snacks.

Ang ulat ay binuo sa pakikipagtulungan sa The Harris Poll. Ito ay inilunsad limang taon na ang nakakaraan bilang suporta sa misyon ng Mondelez International na pamunuan ang future ng snacks.

Ang nakalipas na kalahating dekada ng pagsubaybay sa mga saloobin at gawi ng libu-libong mga consumer sa 12 bansa ay nagpakita ng pare-parehong trendline ng mga consumer na nagpapakita ng preference para sa snacks kaysa sa meals.

Upang maunawaan kung paano nagmemeryenda ang mga Pilipino, isang panel discussion ang pinangasiwaan ng Mondelez International kasama ang mga eksperto sa larangan ng nutrisyon, well-being, snacks at sustainability. Narito ang ilang insights na natuklasan ng panel discussion:

6 sa 10 mamimili and mas gustong kumain ng ‘many small meals’

Alinsunod sa huling limang taon ng data, patuloy na ginugusto ng mga mamimili ang mga meryenda kaysa sa mga tradisyonal na meals noong 2023.

Ayon sa isang panelist na si Dr. Imelda Angeles-Agdeppa, rehistradong nutritionist-dietitian at dating director ng Food and Nutrition Research Institute of the Department of Science and Technology (FNRI-DOST), “Ipinakita ng research na ang pagkain nang madalas ng maliliit na meals ay nakasalalay sa mga lifestyle habits at kondisyon ng kalusugan ng isang tao. Ipinakita ng research na ang madalas na pagkain nang madalas ng maliliit na meals ay makakatulong na mapawi ang gutom, mapabuti ang kontrol ng appetite at maiwasan ang labis na pagkain. Gayundin, nakakatulong ito para sa mas mahusay na digestion dahil naglalagay tayo ng maliliit and manageable na dami ng pagkain sa katawan. Mas madali para sa ating bituka na magproseso at mag-absorb ng mga bitamina at mineral mula sa ating mga pagkain kapag kumakain tayo ng mas maliit na dami nang mas madalas. Bukod dito, maaari rin itong maging kapakipakinabang lalo na sa mga may partikular na kondisyon sa kalusugan tulad ng diabetes dahil makakatulong ito na maiwasan ang biglaang pagtaas ng asukal sa dugo.”

67% ang naghahanap ng portion-controlled na snacks

Ang mga mamimili ay hindi lamang naghahanap ng satisfaction mula sa kanilang meryenda; naghahanap din sila ng nutritional balance at naaangkop na portion balance. Pumipili sila ng mga meryenda na aligned sa kanilang personal health and wellness goals.

Tulad ng ibinahagi ng panelist na si Hector Maglalang, pangulo ng Philippine Association of Nutrition (PAN), “Kung titingnan mo ang survey na nagpapakita ng pagtaas ng bilang ng mga tao na pumipili ng portion control, I think that’s really good para sa kanilang kalusugan. Dahil tinutukoy nila kung anong dami ng pagkain ang kailangan nilang ubusin. Iyon ang portion control—kontrolin ang iyong kinakain. Kaya, mahalaga ang portion control para maging balanse ang kanilang nutrisyon, hindi lamang sa pagkain kundi sa overall well-being.”

76% ay loyal sa ilang snacks sa loob ng mahabang panahon

Bahagi din ng snacking experience and nostalgia. Tatlong-kapat ng mga pandaigdigang mamimili ang nagsabi na sila ay naging loyal sa ilang partikular na meryenda o brand sa loob ng mahabang panahon (76%). Samantala, pito sa 10 pandaigdigang mamimili (68%) ang madalas na naghahanap ng mga meryenda na pumukaw ng mga alaala ng pagkabata o nakaraang karanasan.

Sa kanyang pagbabahagi tungkol sa 61 taong heritage ng Mondelez International sa Pilipinas, ibinahagi ng managing director nito na si Aleli Arcilla na bukod sa paggawa ng masasarap na snacks, isinusulong din ng kumpanya ang Mindful Snacking.

"Ito ang aming global advocacy upang ma-inspire ang mga mamimili na kumain nang may intensyon at atensyon. Upang matulungan ang mga mamimili na mas maiugnay ang adbokasiya na ito, isinalin din namin ito sa Tagalog—‘Snack na Swak.’ Ito ay tungkol sa pagiging conscious sa kung ano ang gusto mong kainin, kung bakit ka kumakain at kung ano ang nararamdaman mo. Kaya, hindi mo kailangang pumili sa pagitan ng meryenda at pagkain ng tama para sa sandaling ito. Tinutulungan din namin ang mga mamimili na maingat na magmeryenda sa pamamagitan ng pag-aalok ng portion-control snacks. Ang mga snacks na ito ay naglalaman laman ng 200 calories o mas mababa sa bawat pakete."

74% ang karaniwang nagre-recycle ng snack packaging

Ang pagtuon ng Mondelez International sa sustainability goals nito ay kasabay ng wellness advocacy ng kumpanya. Karamihan sa mga consumer ay nag-uulat na pinipili nilang bumili ng mga meryenda mula sa mga brands na naaayon sa kanilang values.

Halimbawa, 63% ng mga mamimili ang nagsasabi na naghahanap sila ng mga snacks na tumutulong na mabawasan ang kanilang environmental impact sa pamamagitan ng mga actions gaya ng pag-prioritize ng mga lokal na sangkap, pag-optimize ng mga supply chain o paggamit ng mga carbon offset upang itaguyod ang pagpapanatili.

Tulad ng ibinahagi ng Philippine Alliance for Recycling and Materials Sustainability (PARMS) founding president na si Crispian Lao, “Aware ba ang mga Filipino sa plastic recycling? Oo at hindi. Sa tingin ko ito ay isang area kung saan mas matuturuan natin ang ating mga mamimili. Dapat kaakibat ng edukasyon ang imprastraktura para makolekta, mabawi at madala ang mga plastic packs sa tamang pasilidad upang hindi maging waste. Ngayon ay nakikita natin ang drive ng mga industriya upang turuan ang kanilang mga mamimili, higit sa lahat ang pagkakaroon ng mga drop-off point kung saan maaaring dalhin ang empty plastic packaging. Kritikal ang pagbibigay sa mga tao ng mga paraan kung saan maaari nilang itapon ang kanilang basura.”

 

The State of Snacking report is published and available on Mondelez International's website: www.mondelezinternational.com/stateofsnacking.

 

MONDELEZ PHILIPPINES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with