^

Police Metro

Duterte, binasahan ng 43 kasong pagpatay!

Gemma Garcia - Pang-masa
Duterte, binasahan ng 43 kasong pagpatay!
Former president Rodrigo Duterte attends first ICC hearing via videolink.
Philippine Star / Facebook page

Pre-trial sa ICC, ‘patas’ - Malacañang

MANILA, Philippines — Pormal nang iprini­sinta ng Internatio­nal Criminal Court (ICC) kay dating Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kasong inihain laban sa kanya.

Ito ay matapos na humarap si Duterte sa ICC sa pamamagitan ng isang video link bagama’t nasa piitan ito sa Hague, Net­her-­
lands dulot na rin ng kahilingan ng kampo nito dahil sa kanyang kondis­yon at edad, at tanging ang kanyang abogado na si dating Executive Sec. Salvador Medialdea ang personal na humarap sa mga ICC judges.

Binasa ni Judge Iulia Antonealla Motoc ang mga krimen na isinampa kay Duterte. Sinabihan si Duterte na tumatayo siyang akusado bilang “indirect co-perpetuator” sa 43 murder cases na kinabibilangan ng 19 pagpatay ng mga drug pushers at magnanakaw ng Davao Death Squad kung saan siya ang nagsisilbi umanong founder at lider, nang siya pa ang mayor ng Davao City sa pagitan ng 2011 at 2016, at ang 24 pang pagpatay sa umano’y mga criminal nang siya pa ang Pangulo ng Pilipinas noong 2016-2019.

Sa kabila naman ng argumento ni Medialdea tungkol sa mahinang kalusugan ng dating Pangulo, sinabi ng ICC Presiding Judge na mayroon silang doktor doon at ineksamin si Duterte at lumalabas na “fully mentally aware at fit” siya, bagama’t pinagbigyan ang hindi personal na pagdalo sa ICC court ay may kakayahan naman aniya na dumalo sa pamamagitan ng video link.

Sa pagdinig na tuma­gal ng 30 minuto, isang beses lamang nagsalita si Duterte matapos tanungin at kumpirmahin ang kanyang pangalan, petsa ng kaarawan at sa kanyang pagsasalita ay mapapansin na nanginginig o karalgal ang kanyang boses.

Itinakda ng ICC ang susunod na pagdinig sa Setyembre 23, 2025 kung saan magsasagawa sila ng confirmation charges hearing habang dito naman kukuwestyunin ng prosekusyon ang mga kaso laban sa dating Presidente.

Samantala, tinawag ng Malacañang na “fair” o patas ang pre-trial ng dating Pangulong Duterte sa ICC.

Ayon kay Palace Press Officer Usec. Atty. Claire Castro, patas at nirespeto rin ang karapatan ng da­ting Presidente sa gitna na kinakaharap na kasong crimes against humanity ng drug war ng kanyang administrasyon.

ICC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->
ad