^

Police Metro

7-anyos ni-rape slay ng sekyu, inihulog sa balon

Joy Cantos - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
7-anyos ni-rape slay ng sekyu, inihulog sa balon
Rape Graphic image.
Image by Ulrike Mai from Pixabay

MANILA, Philippines — Ginahasa at pinatay ng isang lasing na security guard ang pitong taong gulang na batang babae sa Brgy. Basag, Butuan City, Agusan del Norte nitong Sabado.

Sa report ng CARAGA Police, nag-iisa ang bata na itinago sa pangalang Marisse  sa kanilang bahay na kasalukuyang naglalaro nang pasu­kin ng suspect na si Dondon Acedo, 29-anyos at gahasain.

Matapos halayin ang biktima, hindi pa nakuntento ay tinangkang lunurin sa batya na may tubig ang bata pero nagawa nitong makatakbo sa sagingan.

Hinabol ng suspect ang bata at nang maabutan ay pinagsusuntok saka pinagsasaksak hanggang mapatay at pagkatapos ay inihulog sa isang lumang balon sa lugar.

Nang umuwi ng kanilang tahanan ang pamilya ng bata ay nadiskubreng  nawawala ito at dito ay isa nilang kapitbahay ang nagkuwento na nakita ang biktima na kasama ang suspect ilang oras bago nadiskubre ang krimen.

Nabatid na ang ina ng biktima ay isang Overseas Filipino Worker (OFW) at tanging ang mga kapamilya nito ang nagbabantay sa bata.

Inamin ng suspek ang  nagawang krimen at sinabing nakainom siya matapos na iwanan ito ng live-in partner.

RAPE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with