^

Bansa

SC: Community Service sa halip na kulong sa minor offenses

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
SC: Community Service sa halip na kulong sa minor offenses
The main building of the Philippine Supreme Court in Manila as taken on Dec. 13, 2024.
Philstar.com / Martin Ramos

MANILA, Philippines — Nagdesisyon ang Korte Suprema na palitan ang pagkakulong ng community service para sa mga ­nahatulang guilty sa slight physical injuries and unjust vexation bilang makabuluhang pagbabago tungo sa restorative justice at pagtugon sa pagsisikip sa bilangguan.

Ang pagbabagong ito ay naging posible sa pamamagitan ng Republic Act No. 11362, o ang Community Service Act, na naglalayong isulong ang serbisyo publiko at pakikilahok sa gawaing pangkomunidad.

Sa Resolusyon na ipinonente ni Supreme Court Associate Justice Amy C. Lazaro-Javier, pinagbigyan ng SC Second Division ang kahilingan ng isang akusado na mabago ang kaniyang sentensya.

Siya ay nahatulan noong 2016 ng Metropolitan Trial Court (MeTC) ng 15 araw na makulong at pinagbabayad ng P5,000 moral damages para sa slight physical injuries, at 15 araw din na kulong at multang P200 para sa unjust vexation.

Ito’y matapos pagtibayin ng Regional Trial Court,  Court of Appeals, at SC ang kaniyang conviction.

Samantala, ang Community Service Act noong Agosto 8, 2019, na nagpapahintulot sa mga korte na gawing community service sa halip na short-term jail sentences (mula 1 araw-6 na buwan) sa pagdetermina ng korte, na may pagsaalang-alang sa kabigatan ng krimen at mga pangyayari sa kaso.

Gayundin, ang naging desisyon noong Nobyembre 2020 kung saan ang mosyon ng isang akusado sa kaso na i-aplay na ‘retroactive’ sa kaniyang senstensya na napatawan bago pa man ipatupad ang Community Service Act, kung hindi naman siya habitual offender.

Ipinaliwanag ng Mataas na Hukuman na ang korte ang magsasabi kung ilang oras na magse-serbisyo sa komunidad at ang probation officer ang bahala sa kaniya, kung nakakumpleto upang siya ay palayain at kapag hindi ay babalik siya sa orihinal na sentensya.

Giit ng SC, ang community service ay isang ­“privilege” at hindi “right” o karapatan.

SUPREME COURT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with