ICC pre-trial kay Duterte, patas - Malakanyang

MANILA, Philippines — Tinawag na “fair” o patas ng Palasyo ng Malakanyang ang pre-trial ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court’s (ICC).
Sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro, na nakita naman ng lahat ang unang pagdalo ni Duterte sa ICC at kung paano gumulong ang hustisya.
Dagdag pa ni Castro na patas at nirespeto rin ang karapatan ng dating presidente sa gitna ng mga alegasyong crimes against humanity ng drug war ng kanyang administrasyon.
Hindi rin aniya pinayagan ng korte ang pagpapaliban ng unang pagharap ni Duterte dahil wala namang pangangailangan at hindi pa rin oras para magprisinta ng depensa at mga ebidensya.
Iginiit din aniya ng judge na nagbigay na ng opinyon ang doktor ng ICC na ang dating pangulo ay mentally aware at fit base sa lumabas na pagsusuri sa detention facility.
“Therefore, it reveals further that FP (former President) Duterte was indeed afforded his fundamental rights as a suspect of crimes against humanity, specifically murder, contrary to Duterte’s camp statements. This is what we call fair trial,” ayon pa kay Castro.
- Latest