^

PSN Opinyon

Maging ligtas ang Bagong Taon

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

NAGSIMULA na ang mahabang bakasyon mula Miyerkules hanggang Linggo. Limang araw kung saan makakapagpahinga, makakapag-enjoy o magpasala­mat sa isa na namang taong lumipas. Limang araw na wala na munang iisipin, sana, bago harapin ang bagong taon. Puno na naman ang mga terminal ng bus ng mga pauwi sa kani-kanilang mga probinsiya. Mga bakasyunan tulad ng Baguio at Tagaytay, umaapaw na ng tao. Mga mall sa Metro Manila, punong-puno ng mga tao, lalo na mga nakatanggap ng mga pera itong Pasko. Tila inuubos na ang mga aguinaldo. Kung hindi ka rin lang darating nang maaga sa mga mall, wala ka nang mapaparadahan kung may sasakyan ka. Kapag pauwi naman, pila sa abangan ng taxi. Ito ang mga eksena ngayon sa siyudad.

Ang kakaiba naman ay maluwag ang trapik. Hindi nga ako sanay na mabilis ang takbo ng sasakyan sa EDSA at sa iba pang mga kalsada. Kung ganito lang sana buong taon, maraming magagawa ang lahat. Ito nga ang dapat tukuyin ng gobyerno, kasabay ng pagsasaayos ng MRT. Ito ang puno’t-dulo ng lahat ng batikos sa gobyerno ngayon, kaya mas may dahilan na hanapan ng mga solusyon.

Pero bago tayo magsimula muli ng isang Bagong Taon, dadaan pa tayo sa pagdiwang nito sa Huwebes ng gabi. Sa madaling salita, liliwanag muli ang himpapawid, iingay na naman ang kapaligiran na mistulang digmaan, at magiging mausok na naman ng ilang oras ang kapaligiran. At habang nagaganap ang mga iyan, ilan naman kaya ang itatakbo sa mga ospital?

Kaya gustong ipaalala muli sa lahat, na hindi masaya ang  Bagong Taon kapag nasa ospital, maging biktima o kamag-anak ng biktima. Umiwas nang magpaputok, lalo na mga kilalang peligroso sa katawan tulad ng piccolo at malalakas na paputok. Ang Pilipino nga naman, may bagong paputok na “Hello Colombia” ang pangalan, pero sa aking pagkakaalam ay iligal ito dahil napakalakas. Parang dinamita na nga ang laki. Hindi pa rin talaga makalimutan ang nangyari kay Miss Universe na si Pia Wurtzbach. Kung maaari ay manood na lang ng mga programa na inihanda ng ilang mga lokal na pamahalaan, kasama na ang palabas ng mga ligtas at magagandang fireworks. Maaaliw ka na, ligtas ka pa sa sakuna. Hindi ba mas magandang simula iyan sa Bagong Taon, kumpara sa ospital?

Maging ligtas ang Bagong Taon. At maging mapagbantay na rin sa mga sira-ulo na magpapaputok pa rin ng baril. Ipaalam kaagad sa mga otoridad para mahuli at makasuhan. May isa nang namatay na bata dahil sa ligaw ng bala. Sana hindi na madagdagan pa.

vuukle comment

ANG

ANG PILIPINO

BAGONG TAON

HELLO COLOMBIA

ITO

LIMANG

METRO MANILA

MGA

MISS UNIVERSE

NAMAN

PIA WURTZBACH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with