^

PSN Opinyon

Mga jobless sa China, nagbabayad para ‘magkunwaring’ empleyado!

MGA KUWENTONG WEIRD - Ronniel Niko B. Halos - Pilipino Star Ngayon

Isang kakaibang trend ang lumalaganap ngayon sa China kung saan ilang kabataang walang trabaho ang nagbabayad sa mga pekeng kompanya para lang magkunwaring may opisina silang pinapasukan, kahit wala silang sahod!

Sa halagang 30 hanggang 50 yuan bawat araw (katumbas ng P230–P380), puwede nang “magtrabaho” sa mga pekeng office space na may libreng computer, Wi-Fi, at canteen. Ang ilan ay nagbabayad pa ng dagdag para sa mas makatotohanang “work experience” kung saan may pekeng work meeting at pekeng boss.

Ayon sa mga ulat, dumarami ang ganitong serbisyo sa mga malalaking siyudad tulad ng Beijing, kasabay ng tumataas na unemployment rate sa mga kabataan. Iba-iba ang dahilan ng mga sumasali rito:, may naghahanap ng murang tambayan, at may umaasang makatutulong ito para makahanap ng trabaho balang araw.

Bagama’t tila kakaiba at nakakatawa para sa ilan, sina­salamin ng trend na ito ang pressure ng modern work culture sa China, na kahit sa kawalan ng trabaho, may mga kabataang pipili pa ring “magkunwaring” may pinagkakaabalahan kaysa manatili sa bahay.

CHINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with