^

PSN Opinyon

Limang nangungunang sakit ng mga Pilipino

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

1. High blood pressure – Kapag ang blood pressure ay palaging lampas sa 140 over 90, ang ibig sabihin ay may high blood pressure na. Isa sa apat na Pilipino ay may high blood pressure. Ang normal na blood pressure ay mas mababa sa 140 over 90.

Heto ang mga tips: (1) Magbawas ng timbang; (2) Mag­bawas sa pagkain ng maaalat. Umiwas o magbawas sa paggamit ng asin, toyo, patis at bagoong; at (3) Mag-eher­sisyo ng tatlo hanggang limang beses bawat linggo. Kapag palaging mataas sa 140/90 ang iyong blood pressure, kailangan mo nang uminom ng gamot.

2. Diabetes – Kung ika’y may nararamdamang pama­manhid, laging nauuhaw, madalas umihi, o namamayat, mag­pa-check sa diabetes. Kapag ang iyong blood sugar ay higit sa 126 mg/dl pagkatapos ng 10 oras na hindi pagkain (fasting blood sugar), nangangahulugang may diabetes ka na. Umiwas sa dalawang bagay: Matataba at mata­tamis na pagkain. Mag-ehersisyo rin ng regular at huwag magpataba.

Depende sa taas ng iyong blood sugar, may mga mura at mabisang gamot sa diabetes, tulad ng Metformin at Gliclazide. Kung hindi mako-kontrol ang iyong blood sugar, ay mapapabilis ang pagdating ng komplikasyon nito.

3. Mataas na cholesterol – Mataas ang iyong cholesterol kapag lampas ito sa 200 mg/dl. Mag-diyeta na. Kailangang uminom ng gamot kapag lampas sa 240 ang cholesterol. Subukang magdiyeta ng 2 buwan. Iwas taba, karne, cakes at icing muna. Pagkaraan ng dalawang buwan, ipa-test uli ang cholesterol at kapag lampas ulit sa 240 mg/dl, doon magsisimula ng gamot na Statins.

4. Sakit sa kidneys – Kung mayroong diabetes o high blood pressure, kailangan bantayan ang iyong kidneys. Ang diabetes at high blood ay nakasisira sa kidneys. Kadalasan ay walang nararamdaman ang mga taong may sakit sa kidneys. Kapag may kidney failure na, humihina na ang daloy ng ihi.

Heto ang tips: (1) Bawasan ang alat ng pagkain; (2) Limitahan ang protina sa pagkain. Mas kumain ng isda, gulay at prutas; (3) Iwasan ang pag-inom ng pain relievers (gamot sa kirot); (4) Uminom ng 8-10 basong tubig bawat araw.

5. Cancer – Kapag ang isang tao ay wala pang cancer, ang pinakamagandang kainin ay ang tatlong K: kamatis, karrots at kalabasa. Puwede rin ang mga pagkaing ito para makaiwas sa kanser: green tea, curry powder, bawang, sibuyas, sibuyas dahon (leeks), repolyo, cauliflower, tofu o tokwa, at talong. Damihan ang pagkain nitong anti-cancer foods. Bawasan ang pagkain ng hindi masustansiyang pagkain tulad ng baboy, baka, hotdog, bacon, ham at longganisa.

DOC WILLIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with