^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Lulutang-lutang na shabu

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL — Lulutang-lutang na shabu

SUNUD-SUNOD ang mga nalambat na shabu sa Zambales, Pangasinan at Ilocos Sur. Pawang lumu­lutang sa dagat ang mga droga at nakuha ng mga mangingisda. Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), pinakamarami ang nakuhang shabu sa Pangasinan na umabot sa 21 sako at nagkakahalaga ng P4-bilyon. Sinabi ng PDEA na ang mga sako ng shabu ay nakita ng 29 na mangingisda noong Hunyo 5 sa karagatan ng Pangasinan. Nakasilid ang mga ito sa 588 vacuum-sealed transparent plastic packs.

Agad ni-report ng mga mangingisda ang mga nakuhang shabu sa PDEA. Sabi ni PDEA Director General Isagani R. Nerez ang pagtutulungan ng mga mangi­ngisda ay malaking tulong para makuha ang mga lulutang-lutang na shabu. Hindi nagdalawang isip ang mga mangingisda na ireport agad ang droga.

Una nang nakarekober ang mga mangingisda ng 177 pakete ng shabu na nagkakahalaga ng P1.17 bil­yon habang palutang-lutang sa karagatang sakop ng Agno, Bani at Bolinao ng ­Pangasinan. Agad nilang ini-report sa mga awtoridad ang mga narekober na shabu.

Kahapon sinabi ng PDEA na ang mga nakuhang shabu sa karagatan ay pag-aari ng Chinese triad. Ayon sa PDEA ang mga pakete ay may Chinese markings at signature trademark na konektado sa Chinese Drug Triad. Ang triad ay malaking sindikato ng droga na nag-o-operate sa Southeast Asia.

Nakababahala ang paglutang nang maraming shabu sa karagatang sakop ng Pilipinas. Maaring hindi lang sa karagatang sakop ng Pangasinan, Zambales at Ilocos lulutang-lutang ang shabu kundi sa maraming lugar pa. Sa haba ng baybayin ng Pilipinas, maaaring narito na ang mga saku-sakong shabu na pinaaanod ng mga Chinese. At malaki ang posibilidad na ang mga barko ng China na madalas makita sa West Phi­lippine Sea ang nagpaanod ng mga shabu.

Ang nakababahala ay baka marami na ang nata­ngay ng alon sa mga baybaying dagat ng bansa at narekober na ng mga kasabwat ng Chinese Triad. Sa dami ng shabu, maraming buhay ang sisirain. Mara­ming kabataan ang masisira ang ulo dahil sa pagka­sugapa sa shabu.

Paiigtingin ng Philippine Coast Guard ang pagbabantay sa mga baybayin para mapigilan ang paglutang ng mga saku-sakong shabu. Magtulung-tulong ang mga mangingisda para masagip ang illegal na droga at i-report agad sa mga awtoridad. Sirain din naman agad-agad ang mga marerekober na shabu para ‘di ma-recyle.

DRUGS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with