^

PSN Opinyon

Payo sa mga hindi natutunawan

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Lahat tayo ay may sandaling hindi natutunawan, maa­aring ito ay natural lang.

Ngunit kung ito ay madalas nang nararamdaman baka isa nang malubhang karamdaman.

Ang bawat tao ay nakararanas ng hindi matunawan dahil sa mga pagkain na nakakain, sobrang pagkain o masyadong mabilis kumain.

Minsan, ang pagkain ng mga halu-halong mga pagkain­ (maasim, maanghang, mataba o gatas) ay maaaring maging­ sanhi ng pagkulo ng tiyan.

Ang paninigarilyo at pag-inom ng alak ay maaaring mag­resulta rin sa tummy aches. Karaniwan, kailangan mo lamang uminom ng antacid at pahinga.

Upang maiwasan ang hindi pagkatunaw ng pagkain, ipi­napayo ko na kumain ng mas kaunting pagkain ngunit mas madalas naman.

Gayunpaman, may iba pang mga sanhi na maaaring mas seryoso. Kung ang sakit ay nagsisimula sa gitna ng tiyan, at pagkatapos ay tumatakbo sa kanang ibabang tiyan, po­sible ito ay appendicitis.

Kung ang sakit ay nangyayari sa kanang itaas ng tiyan at nangyayari pagkatapos kumain ng mamantika, baka ito ay bato sa apdo o gallbladder stone.

Ang parehong mga kondisyon ay kailangang makita ng isang surgeon para sa posibleng operasyon. Paminsan-minsan, ang pakiramdam ng hindi pagkatunaw ng pagkain ay maaaring isang palatandaan ng isang ulcer o kanser sa tiyan.

Ang mga sintomas na dapat bantayan ay kung may kasama na anemia at pagbaba ng timbang. Ang isang gastroente­rologist ay maaaring magsagawa ng isang endoscopy upang masuri at malaman ang sakit.

vuukle comment

DOC WILLIE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with