^

PSN Opinyon

Mga pulis, bawal makisawsaw sa POGO! — Marbil

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

BAWAL na sa mga pulis na makisawsaw sa POGO! Nag­babala si PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil na papatawan n’ya ng kaparusahan ang mga pulis na maebi­densiyahan na protector ng POGO. Ang kautusan ni Marbil ay para i-uphold ang batas at I-maintain ang highest stan­dards ng integridad ng PNP. “Integrity and accountability are the cornerstones of our public service. We remain com­mitted to ensuring that our officers uphold these values,” ayon kay Marbil.

Ang polisiya ay magsisilbing reminder sa mga pulis na ‘wag pumasok sa alanganin, lalo na sa illegal na aktibidad, aniya. Open secret naman ‘yan mga kosa na itong mga POGO operators ay “nakikisama” sa mga kapulisan kung saan nag-o-operate sila. Mismooooo! Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Ang PNP at ang PAOCC ni Undersecretary Gilberto Cruz ay nangunguna sa paglansag ng mga illegal na POGO na nagkalat sa buong Pinas. Iginiit ng Pagcor na may 43 legal na POGO na nag-o-operate sa Pinas at ang iba na namumugad sa mga probinsiya ay mga illegal na.

Hindi tayo maglalayo mga kosa at ang magandang halimbawa ay ang POGO sa Bamban, Tarlac at sa Porac, Pampanga na na-raid ng PAOCC at CIDG ni Maj. Gen. Leo “Paco” Francisco nitong nagdaang mga araw. Nasa kainitan pa ng imbestigasyon kung bakit nakapag-operate ang dalawang POGO at mukhang related ang operasyon nila. Eh di wow! Ang sakit sa bangs nito!

Niliwanag ni Marbil na may semblance na may mga pulis na nakikinabang sa POGO sa Bamban at sa Porac. “I’ll just give you an example in Porac ano. Bakit natin ni-relieve ‘yung provincial director doon and the chief of police kasi may mga killings doon na hindi naimbestigahang mabuti,” ani Marbil. “Hindi kasi s’ya normal eh.”

Ganundin sa Bamban kung saan ni-relieve rin ang mga pulis dahil sa mga found bodies. “But I don’t want to say na protector kasi wala po talagang protector,” ang giit pa ni Marbil. Tuluy-tuloy lang ang imbestigasyon nila sa Bamban­ at Porac at ang mga pulis na maebidensiyahan na nakina­bang sa POGO ay aabutin ng malas, ani Marbil. Dipugaaa!

Inamin naman ni Francisco na kinikilatis pa nila ang mga dokumento na nagsasabing may kaugnayan ang POGO sa Bamban at Porac.”We are in the process of applying warrant regarding computer data and upon completion of these processes we will give you results of the examination of these computers and other equipment in Porac,” ani Francisco.

Ipinaliwanag ni Francisco na ang mga buildings sa Bamban at Porac ay dinagdagan o mas malaki sa nakasaad sa inaplayan ng POGO sa Pagcor. “Those buildings which are not included in their permits are illegal,” dagdag pa ni Francisco. Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Kung sabagay, may pagkukulang din ang mga local government units (LGUs) dito sa patuloy na operation ng POGO na walang permit sa Pagcor. Kasi nga. ang BPLO’s ng LGUs ang nagbibigay ng permit para makapagpatayo ng POGO sa isang lugar. Kaya dapat hambalusin din ang mga LGUs. Dipugaaaaa! Abangan!

vuukle comment

POGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with