^

PSN Opinyon

Walang katapusan

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

Tila walang katapusan ang butas na kinaroroonan ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo. Batay sa hawak na doku­mento­ ni Sen. Risa Hontiveros na nagmula sa NBI (NBI Clea­rance), may nagngangalang Alice Leal Guo na kapareho ng kaarawan ni Mayor Alice Leal Guo, pero hindi kamukha ng mayor ang litrarto sa dokumento. Kaya ito ba raw ay nakaw ng pagkakilanlan? Tandaan na may Guo Hua Ping na kamukha ni Alice Guo ang larawan na siyang hinala ng mga senador na iisang tao lang, sa kabila ng mariing pagtanggi ng mayor.

Ang dapat diyan ay hanapin ang Alice Leal Guo na pakay ng dokumento, para patunayan na magkaiba silang taon. Ang mungkahi pa nga ng NBI ay makuha ang finger­prints ng dalawang Alice Leal Guo para mapatunayang hindi iisang tao. Walang dalawang fingerprints ang magkapareho sa buong mundo kaya magandang batayan ito ng pagka­kilanlan.

Nataon naman na wala si Guo sa pagdinig sa Senado dahil masama raw ang pakiramdam at stressed. Hindi ko siya masisisi dahil sa sunud-sunod na paglabas ng mga dokumento na tila kumokontra sa lahat ng kanyang sina­sabi. Pero hindi ito tinanggap na dahilan ng Senado at nag-utos na ma-subpoena siya at ang kanyang pamilya, pati ibang tauhan tulad ni Dennis Cunanan na otorisadong kinatawan ng Hong Sheng Gaming Technology, ang iligal na POGO sa Bamban. Si Cunanan ay dating opisyal ng Technology and Livelihood Resource Center na hinatulan sa PDAF scam.

Dapat magkaroon na ng liwanag sa misteryong ito ni Guo. Habang tumatagal ay tila may bagong nauungkat­. Nagsimula sa iligal na POGO na halos katabi lang ng munisipyo ng Bamban, hanggang sa human trafficking na mas mabigat ang parusa. Pero kailangang masiguro muna ang tunay na pagkakilanlan ni Guo. Nakalatag ang mga doku­mento na kontra sa kanyang mga sinasabi. Nasaan ang kanyang mga dokumento para patunayan ang kanyang pagkakilanlan? Hindi puwede ang puro salita lang.

vuukle comment

ALICE GUO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with